Proverbs 7

Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, at impukin mo sa iyo ang aking mga utos.
HIJO mío, guarda mis razones, Y encierra contigo mis mandamientos.
Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata.
Guarda mis mandamientos, y vivirás; Y mi ley como las niñas de tus ojos.
Itali mo sa iyong mga daliri; ikintal mo sa iyong puso.
Lígalos á tus dedos; Escríbelos en la tabla de tu corazón.
Sabihin mo sa karunungan, Ikaw ay aking kapatid na babae; at tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa:
Di á la sabiduría: Tú eres mi hermana; Y á la inteligencia llama parienta:
Upang kanilang maingatan ka sa babaing masama; sa babaing di kilala na nagtatabil ng kaniyang mga salita.
Para que te guarden de la mujer ajena, Y de la extraña que ablanda sus palabras.
Sapagka't sa dungawan ng aking bahay tumitingin ako sa aking solihia;
Porque mirando yo por la ventana de mi casa, Por mi celosía,
At ako'y tumingin sa mga musmos, ako'y nagmasid sa mga may kabataan, sa may kabataang walang bait,
Vi entre los simples, Consideré entre los jóvenes, Un mancebo falto de entendimiento,
Na dumaraan sa lansangan na malapit sa kaniyang sulok, at siya'y yumaon sa daan na patungo sa kaniyang bahay;
El cual pasaba por la calle, junto á la esquina de aquella, É iba camino de su casa,
Sa pagtatakip silim, sa kinagabihan ng araw, sa kalahatian ng gabi, at sa kadiliman.
Á la tarde del día, ya que oscurecía, En la oscuridad y tiniebla de la noche.
At, narito, doo'y nasalubong niya ang isang babae na nakagayak ng tila isang patutot, at tuso sa puso.
Y he aquí, una mujer que le sale al encuentro Con atavío de ramera, astuta de corazón,
Siya'y madaldal at matigas ang ulo; ang kaniyang mga paa ay hindi nagsisitahan sa kaniyang bahay:
Alborotadora y rencillosa, Sus pies no pueden estar en casa;
Ngayo'y nasa mga lansangan siya, mamaya'y nasa mga luwal na dako siya, at nagaabang sa bawa't sulok,
Unas veces de fuera, ó bien por las plazas, Acechando por todas las esquinas.
Sa gayo'y hinahawakan niya siya at hinahagkan siya, at may mukhang walang hiya na nagsasabi siya sa kaniya:
Y traba de él, y bésalo; Desvergonzó su rostro, y díjole:
Mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay sa akin; sa araw na ito ay tinupad ko ang aking mga panata.
Sacrificios de paz había prometido, Hoy he pagado mis votos;
Kaya't lumabas ako upang salubungin ka, hinanap kong masikap ang iyong mukha, at nasumpungan kita.
Por tanto he salido á encontrarte, Buscando diligentemente tu rostro, y te he hallado.
Aking inilatag ang aking higaan na may mga coltsong may burda, na yari sa guhitguhit na kayong lana sa Egipto.
Con paramentos he ataviado mi cama, Recamados con cordoncillo de Egipto.
At aking pinabanguhan ang aking higaan ng mira, mga oleo, at sinamomo.
He sahumado mi cámara Con mirra, áloes, y cinamomo.
Parito ka, tayo'y magpakasiya sa pagsisintahan hanggang sa kinaumagahan; magpakasaya tayo sa mga pagsisintahan.
Ven, embriaguémonos de amores hasta la mañana; Alegrémonos en amores.
Sapagka't ang lalake ay wala sa bahay, siya'y naglakbay sa malayo:
Porque el marido no está en casa, Hase ido á un largo viaje:
Siya'y nagdala ng supot ng salapi; siya'y uuwi sa bahay sa kabilugan ng buwan.
El saco de dinero llevó en su mano; El día señalado volverá á su casa.
Kaniyang pinasusuko siya ng karamihan ng kaniyang mga matamis na salita, hinihila niya siya ng katabilan ng kaniyang mga labi.
Rindiólo con la mucha suavidad de sus palabras, Obligóle con la blandura de sus labios.
Pagdaka ay sumusunod siya sa kaniya, gaya ng toro na naparoroon sa patayan, O gaya ng sa mga tanikala sa sawayan sa mangmang;
Vase en pos de ella luego, Como va el buey al degolladero, Y como el loco á las prisiones para ser castigado;
Hanggang sa lagpasan ng isang palaso ang kaniyang atay; gaya ng ibong nagmamadali sa bitag, at hindi nakakaalam na yao'y sa kaniyang buhay.
Como el ave que se apresura al lazo, Y no sabe que es contra su vida, Hasta que la saeta traspasó su hígado.
Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at makinig kayo ng mga salita ng aking bibig.
Ahora pues, hijos, oídme, Y estad atentos á las razones de mi boca.
Huwag humilig ang iyong puso sa kaniyang mga lakad, huwag kang lumiko sa kaniyang mga landas.
No se aparte á sus caminos tu corazón; No yerres en sus veredas.
Sapagka't kaniyang inihiga ang maraming may sugat: Oo, lahat niyang pinatay ay isang makapangyarihang hukbo.
Porque á muchos ha hecho caer heridos; Y aun los más fuertes han sido muertos por ella.
Ang kaniyang bahay ay daang patungo sa Sheol. Pababa sa mga silid ng kamatayan.
Caminos del sepulcro son su casa, Que descienden á las cámaras de la muerte.