Matthew 27

Pagka umaga nga, ang lahat ng mga pangulong saserdote at ang matatanda sa bayan ay nangagsanggunian laban kay Jesus upang siya'y ipapatay:
A, ka takiri te ata, ka runanga nga tohunga nui katoa me nga kaumatua o te iwi mo Ihu kia whakamatea:
At siya'y ginapos nila, at siya'y inilabas, at kanilang ibinigay siya kay Pilato na gobernador.
A, no ka oti ia te here, ka arahina atu, tukua ana ki a Pirato, ki te kawana.
Nang magkagayo'y si Judas, na nagkanulo sa kaniya, pagkakitang siya'y nahatulan na, ay nagsisi, at isinauli ang tatlongpung putol na pilak sa mga pangulong saserdote at sa matatanda,
A, no te kitenga o Hura, o te kaituku i a ia, kua whakaaetia ia kia whakamatea, ka puta ke tona whakaaro, whakahokia ana e ia nga hiriwa e toru tekau ki nga tohunga nui ratou ko nga kaumatua,
Na sinasabi, Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan. Datapuwa't kanilang sinabi, Ano sa amin? ikaw ang bahala niyan.
Ka mea, Kua hara ahau i taku tukunga i te toto harakore. Ka mea ratou, Hei aha ma matou? mau tena e titiro.
At kaniyang ibinulaksak sa santuario ang mga putol na pilak, at umalis; at siya'y yumaon at nagbigti.
Na maka iho e ia nga hiriwa ki te whare tapu, a puta ana ki waho, haere ana, tarona ana i a ia.
At kinuha ng mga pangulong saserdote ang mga putol na pilak, at sinabi, Hindi matuwid na ilagay ang pilak na iyan sa kabang-yaman, sapagka't halaga ng dugo.
Na ka tango nga tohunga nui i nga hiriwa, ka mea, E kore e tika kia panga enei ki te takotoranga moni, he utu toto hoki.
At sila'y nangagsanggunian, at ibinili nila ang mga yaon ng bukid ng magpapalyok, upang paglibingan ng mga taga ibang bayan.
No ka runanga ratou, a hokona ana ki aua mea te mara a te kaihanga rihi, hei tanumanga mo nga manene.
Dahil dito'y tinawag ang bukid na yaon, ang bukid ng dugo, hanggang ngayon.
Na reira hoki i huaina ai taua mara, Ko te Mara o te Toto, a mohoa noa nei,
Nang magkagayo'y natupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias, na nagsasabi, At kinuha nila ang tatlongpung putol na pilak, halaga noong hinalagahan, na inihalaga ng mga anak ng Israel;
Katahi ka rite ta Heremaia poropiti i korero ai, i mea ai, Tangohia ana e ratou nga hiriwa e toru tekau, te utu mo te tangata i whakaritea nei ona utu, i whakaritea nei nga utu e etahi o nga tama a Iharaira;
At kanilang ibinigay ang mga yaon na pinakabayad sa bukid ng magpapalyok, ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.
A hoatu ana mo te mara a te kaihanga rihi; i pera ano me ta te `Ariki i whakarite ai ki ahau.
Si Jesus nga ay nakatayo sa harap ng gobernador: at tinanong siya ng gobernador, na nagsasabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw ang nagsasabi.
Na i te tu tera a Ihu i te aroaro o te kawana; ka ui te kawana ki a ia, ka mea, Ko koe ranei te Kingi o nga Hurai? Ka mea a Ihu ki a ia, Kua korerotia mai na e koe.
At nang siya'y isakdal ng mga pangulong saserdote at ng matatanda, ay hindi siya sumagot ng anoman.
A, i te whakapanga a nga tohunga nui ratou ko nga kaumatua i tetahi he ki a ia, kihai ia i whakahoki kupu atu.
Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Pilato, Hindi mo baga naririnig kung gaano karaming bagay ang kanilang sinasaksihang laban sa iyo?
Katahi ka mea a Pirato ki a ia, Kahore koe e rongo i te tini o nga mea e korerotia nei e ratou mou?
At hindi siya sinagot niya, ng kahit isang salita man lamang: ano pa't nanggilalas na mainam ang gobernador.
Heoi kahore kia kotahi kupu i whakahokia e ia ki a ia; tino miharo noa te kawana.
Sa kapistahan nga ay pinagkaugalian ng gobernador na pawalan sa karamihan ang isang bilanggo, na sinoman ang kanilang ibigin.
Na ko ta te kawana tikanga i taua hakari he tuku i tetahi herehere ki te iwi, i ta ratou e pai ai.
At noo'y sila'y may isang bilanggong bantog, na tinatawag na Barrabas.
I reira ano i a ratou tetahi herehere ingoa nui, ko Parapa te ingoa.
Nang sila'y mangagkatipon nga, ay sinabi sa kanila ni Pilato, Sino ang ibig ninyong sa inyo'y aking pawalan? si Barrabas, o si Jesus na tinatawag na Cristo?
A, no ra ka mine ratou, ka mea a Pirato ki a ratou, Ko wai ta koutou e pai ai kia tukua e ahau ki a koutou? ko Parapa, ko Ihu ranei e huaina nei ko te Karaiti?
Sapagka't natatalastas niya na dahil sa kapanaghilian ay ibinigay siya nila sa kaniya.
I mahara hoki ia he hae no ratou i tukua ai ia.
At samantalang nakaupo siya sa luklukan ng pagkahukom, ay nagsugo sa kaniya ang kaniyang asawa, na nagsasabi, Huwag kang makialam sa matuwid na taong iyan; sapagka't ngayong araw na ito'y naghirap ako ng maraming bagay sa panaginip dahil sa kaniya.
Na, i a ia e noho ana i runga i te nohoanga whakawa, ka tono tangata mai tana wahine ki a ia. ka mea, Kei ahatia e koe taua tangata tika: he maha hoki nga mea i pa moemoea mai ki ahau inaianei, he mea mona.
Inudyukan ng mga pangulong saserdote at ng matatanda ang mga karamihan na hingin nila si Barrabas, at puksain si Jesus.
Otiia i whakakikitia e nga tohunga nui ratou ko nga kaumatua te mano, kia inoia a Parapa, kia whakangaromia a Ihu.
Datapuwa't sumagot ang gobernador at sa kanila'y sinabi, Alin sa dalawa ang ibig ninyong sa inyo'y aking pawalan? At sinabi nila, Si Barrabas.
Na ka whakahoki te kawana, ka mea ki a ratou, Ko tehea o te tokorua ta koutou e pai ai kia tukua e ahau ki a koutou? Ka mea ratou, Ko Parapa.
Sinabi sa kanila ni Pilato, Ano ang gagawin kay Jesus na tinatawag na Cristo? Sinabi nilang lahat, Mapako siya sa krus.
Ka mea a Pirato ki a ratou, Me aha oti e ahau a Ihu, e huaina nei ko to Karaiti? Ka mea ratou katoa ki a ia, Ripekatia.
At sinabi niya, Bakit, anong kasamaan ang kaniyang ginawa? Datapuwa't sila'y lalong nangagsigawan, na nangagsasabi, Mapako siya sa krus.
Na ka mea te kawana, He aha koia tana kino i mea ai? Heoi nui noa atu ta ratou hamama, ka mea, Ripekatia ia.
Kaya't nang makita ni Pilato na wala siyang magawa, kundi bagkus pa ngang lumalala ang kaguluhan, siya'y kumuha ng tubig, at naghugas ng kaniyang mga kamay sa harap ng karamihan, na sinasabi, Wala akong kasalanan sa dugo nitong matuwid na tao; kayo ang bahala niyan.
A, i te kitenga o Pirato kahore ia i whai wahi, engari ka nui ke atu te ngangau, ka mau ia ki te wai, ka horoi i ona ringa i te aroaro o te mano, ka mea. Kahore ahau e whai hara i te toto o tenei tangata tika: ma koutou tena e titiro.
At sumagot ang buong bayan at nagsabi, Mapasa amin ang kaniyang dugo, at sa aming mga anak.
Na ka whakahoki te iwi katoa, ka mea, Hei runga ona toto i a matou, i a matou tamariki.
Nang magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay hinampas at ibinigay upang ipako sa krus.
Na ka tukua e ia a parapa ki a ratou: a, ka oti a Ihu te whiu, ka tukua kia ripekatia.
Nang magkagayo'y dinala si Jesus ng mga kawal ng gobernador sa Pretorio, at nagkatipon sa kaniya ang buong pulutong.
Katahi ka mauria a Ihu e nga hoia a te kawana ki te whare whakawa, a whakaminea ana ki a ia te ropu katoa.
At siya'y kanilang hinubdan, at dinamtan siya ng isang balabal na kulay-ube.
Na ka tangohia e ratou ona kakahu, a whakakakahuria ana ia ki te kakahu whero.
At sila'y nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo; at sila'y nagsiluhod sa harap niya at siya'y kanilang nilibak, na nagsisipagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio!
A, no ka oti tetahi karauna tataramoa te whiri, ka potaea ki tona matenga, me te kakaho ki tona ringa matau: a ka tukua nga turi ki a ia, ka taunu ki a ia, ka mea, Tena koe, e te Kingi o nga Hurai!
At siya'y kanilang niluluraan, at kinuha nila ang tambo at sinaktan siya sa ulo.
A ka tuwhaina ia e ratou, a ka mau ratou ki te kakaho, ka patua ki tona matenga.
At nang siya'y kanilang malibak, ay hinubdan nila siya ng balabal, at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit, at kanilang inilabas siya upang ipako sa krus.
Na, ka mutu ta ratou tawai ki a ia, ka tihorea atu i runga i a ia te kakahu ra, whakakahuria ana ona ki a ia, a arahina ana ia kia ripekatia.
At paglabas nila'y kanilang nasalubong ang isang taong taga Cirene, na ang pangala'y Simon: ito'y kanilang pinilit na sumama sa kanila, upang pasanin niya ang kaniyang krus.
A, i a ratou e haere ana ki waho, ka kitea e ratou he tangata no Hairini, ko Haimona te ingoa: meinga ana ia e ratou kia haere tahi me ratou hei amo i tona ripeka.
At nang sila'y magsirating sa isang dakong tinatawag na Golgota, sa makatuwid baga'y, Ang dako ng bungo,
A, i to ratou taenga ki te wahi e kiia nei ko Korokota, ara, ko te wahi angaanga,
Ay pinainom nila siya ng alak na may kahalong apdo: at nang kaniyang matikman, ay ayaw niyang inumin.
Ka hoatu e ratou he waina ki a ia kia inumia, he mea whakananu ki te au: a, no tana whakamatauranga atu, kihai i pai ki te inu.
At nang siya'y kanilang maipako sa krus ay kanilang binahagi ang kaniyang mga damit, na kanilang pinagsapalaran;
A, ka oti ia te ripeka, ka wehewehea ona kakahu, he mea maka ki te rota: i rite ai te kupu i korerotia e te poropiti, I wehewehea oku weruweru mo ratou, i maka rota hoki mo toku kakahu.
At sila'y nangagsiupo at binantayan siya roon.
Na noho ana ratou ki te tiaki i a ia i reira.
At inilagay nila sa kaniyang ulunan ang pamagat sa kaniya, na nasusulat: ITO'Y SI JESUS, ANG HARI NG MGA JUDIO.
A whakanohoia ana e ratou ki runga ake i tona matenga te mea i whakawakia ai ia, he mea tuhituhi, ko Ihu tenei ko te kingi o nga Hurai.
Nang magkagayo'y ipinakong kasama niya ang dalawang tulisan, isa sa kanan at isa sa kaliwa.
Na tokorua nga tahae i ripekatia ngatahitia me ia, kotahi ki matau, kotahi ki maui.
At siya'y nililibak ng nangagdaraan, na iginagalaw ang kanilang mga ulo,
A ka kohukohu ki a ia te hunga e haere ana ra reira, me te oioi o ratou matenga,
At nangagsasabi, Ikaw na igigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itatayo, iyong iligtas ang sarili mo: kung ikaw ay Anak ng Dios, ay bumaba ka sa krus.
Ka mea, Ko koe hei whakahoro i te whare tapu, hei hanga ano i nga ra e toru, whakaorangia koe e koe ano. Ki te mea ko te Tama koe a te Atua, heke iho i te ripeka.
Gayon din naman ang paglibak sa kaniya ng mga pangulong saserdote, pati ng mga eskriba at ng matatanda, na nagsipagsabi,
I pena ano te tawai a nga tohunga nui, ratou ko nga karaipi, ko nga kaumatua, i mea,
Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at tayo'y magsisisampalataya sa kaniya.
Ko era atu i whakaorangia e ia; te taea e ia te whakaora i a ia ano. Ko ia te Kingi o Iharaira, tena kia heke iho oti ia i te ripeka, ka whakapono matou ki a ia.
Nananalig siya sa Dios; iligtas niya siya ngayon, kung siya'y iniibig: sapagka't sinabi niya, Ako'y Anak ng Dios.
I whakawhirinaki ia ki te Atua: ma tera ia e whakaora aianei, ki te pai ia ki a ia: nana hoki te ki, Ko te Tama ahau a te Atua.
At minumura din naman siya ng mga tulisang kasama niyang nangapapako sa krus.
Me nga tahae hoki i ripekatia tahitia ra me ia, i pera ano ta raua tawai ki a ia.
Mula nga nang oras na ikaanim ay nagdilim sa ibabaw ng buong sangkalupaan hanggang sa oras na ikasiyam.
Na ka pouri a runga katoa o te whenua, no te ono o nga haora a taea noatia te iwa o nga haora.
At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?
A, ka tata ki te iwa o nga haora, ka karanga a Ihu, he nui te reo, ka mea, Eri, Eri, rama hapakatani? ara, E toku Atua, e toku Atua, he aha koe i whakarere ai i ahau?
At nang marinig ito ng ilan sa nangakatayo roon, ay sinabi, Tinatawag ng taong ito si Elias.
I te rongonga o etahi o te hunga e tu ana i reira, ka mea, E karanga ana te tangata nei ki a Iraia.
At pagkaraka'y tumakbo ang isa sa kanila, at kumuha ng isang espongha, at binasa ng suka, saka inilagay sa isang tambo, at ipinainom sa kaniya.
Na kua rere tetahi o ratou, kua mau ki te hautai, whakakiia ana ki te winika, a whakanohoia ana ki runga ki te kakaho, whakainumia ana mana.
At sinabi ng mga iba, Pabayaan ninyo; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya'y iligtas.
Ka mea ehinu, Kati, kia kite tatou e haere mai ranei a Iraia ki te whakaora i a ia.
At muling sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, at nalagot ang kaniyang hininga.
Na ka karanga ano a Ihu, he nui te reo, a tuku atu ana i tona wairua.
At narito, ang tabing ng templo'y nahapak na nagkadalawa buhat sa itaas hanggang sa ibaba; at nayanig ang lupa; at nangabaak ang mga bato;
Na ka wahia te arai o te whare tapu i waenganui pu, mai i runga a ki raro: ka ru te whenua, pakaru ana nga kamaka;
At nangabuksan ang mga libingan; at maraming katawan ng mga banal na nangakatulog ay nangagbangon;
Ko nga urupa tuwhera kau; a he maha nga tinana o te hunga tapu kua moe i ara mai;
At paglabas sa mga libingan pagkatapos na siya'y mabuhay na maguli ay nagsipasok sila sa bayang banal at nangapakita sa marami.
Ko te putanga ake i nga urupa i muri iho o tona aranga mai, haere ana ki roto ki te pa tapu, a he tokomaha te hunga i kite i a ratou.
Ang senturion nga, at ang mga kasamahan niya sa pagbabantay kay Jesus, nang mangakita nila ang lindol, at ang mga bagay na nangyari, ay lubhang nangatakot, na nangagsasabi, Tunay na ito ang Anak ng Dios.
Na, i te kitenga o te keneturio ratou ko ona hoa tiaki i a Ihu i te ru, i nga mea ano i meatia, nui atu to ratou wehi, ka mea, He pono ko te Tama tenei a te Atua.
At nangaroroon ang maraming babae na nagsisipanood buhat sa malayo, na nagsisunod kay Jesus buhat sa Galilea, na siya'y kanilang pinaglilingkuran:
A he tokomaha nga wahine i reira e matakitaki ana mai i tawhiti, nga mea i aru mai i a Ihu i Kariri, i mahi mea mana:
Na sa mga yaon ay si Maria Magdalena, at si Maria na ina ni Santiago at ni Jose, at ang ina ng mga anak ni Zebedeo.
I roto i a ratou a Meri Makarini, a Meri whaea o Hemi raua ko Hohi, me te whaea hoki o nga tama a Heperi.
At nang hapon na ay dumating ang isang mayamang mula sa Arimatea, na nagngangalang Jose, na ito'y naging alagad din naman ni Jesus;
Na, ka ahiahi, ka haere mai tetahi tangata taonga nui o Arimatia, ko Hohepa te ingoa, he akonga ano ia na Ihu:
Ang taong ito'y naparoon kay Pilato, at hiningi ang bangkay ni Jesus. Nang magkagayo'y ipinagutos ni Pilato na ibigay yaon.
I haere taua tangata ki a Pirato, a tonoa ana e ia te tinana o ihu. Na ka mea a Pirato kia hoatu te tinana.
At kinuha ni Jose ang bangkay at binalot niya ng isang malinis na kayong lino,
Na ka tango a Hohepa i te tinana, a takaia ana e ia ki te rinena ma,
At inilagay sa kaniyang sariling bagong libingan, na kaniyang hinukay sa bato: at iginulong niya ang isang malaking bato sa pintuan ng libingan, at umalis.
Whakatakotoria ana ki tana urupa hou, i haua e ia ki roto ki te kama: na whakataka atu ana e ia tetahi kohatu nui ki te kuwaha o te urupa, a haere ana.
At nangaroon si Maria Magdalena, at ang isang Maria, at nangakaupo sa tapat ng libingan.
I reira ano a Meri Makarini, me tera Meri, e noho ana i te ritenga atu o te tanumanga.
Nang kinabukasan nga, na siyang araw pagkatapos ng Paghahanda, ay nangagkatipon kay Pilato ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo,
Na, i te aonga ake, i te ra i muri i te takanga hakari, ka haere nga tohunga nui me nga Parihi ki a Pirato,
Na nagsisipagsabi, Ginoo, naaalaala namin na sinabi ng magdarayang yaon nang nabubuhay pa, Pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon akong muli.
Ka mea, E mara, kei te mahara matou ki te korero a tera tangata tinihanga i a ia ano e ora ana, Kia taka nga ra e toru ka ara ahau.
Ipagutos mo nga na ingatan ang libingan hanggang sa ikatlong araw, baka sakaling magsiparoon ang kaniyang mga alagad at siya'y nakawin, at sabihin sa bayan, Siya'y nagbangon sa gitna ng mga patay: at lalong sasama ang huling kamalian.
Na reira whakahaua atu kia tiakina te tanumanga, a tae noa ki te toru o nga ra, kei haere ana akonga i te po, ka tahae i a ia, ka mea ki te iwi, Kua ara ia i te hunga mate: penei kino atu i to mua to muri he.
Sinabi sa kanila ni Pilato, Mayroon kayong bantay: magsiparoon kayo, inyong ingatan ayon sa inyong makakaya.
Ka mea a Pirato ki a ratou, He kaitiaki ano a koutou: haere, kia puta o koutou whakaaro kei taea atu ia.
Kaya't sila'y nagsiparoon, at iningatan nila ang libingan, tinatakan ang bato, na kasama nila ang bantay.
Na haere ana ratou, hiritia ana te kohatu, me te whakanoho ano i nga kaitiaki, kei taea atu te tanumanga.