Job 5

Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo? At sa kanino sa mga banal babalik ka?
Chiama pure! C’è forse chi ti risponda? E a qual dei santi vorrai tu rivolgerti?
Sapagka't ang bigat ng loob ay pumapatay sa taong hangal, at ang paninibugho ay pumapatay sa mangmang.
No, il cruccio non uccide che l’insensato e l’irritazione non fa morir che lo stolto.
Aking nakita ang hangal na umuunlad: nguni't agad kong sinumpa ang kaniyang tahanan.
Io ho veduto l’insensato prender radice, ma ben tosto ho dovuto maledirne la dimora.
Ang kaniyang mga anak ay malayo sa katiwasayan, at sila'y mangapipisa sa pintuang-bayan, na wala mang magligtas sa kanila.
I suoi figli van privi di soccorso, sono oppressi alla porta, e non c’è chi li difenda.
Na ang kaniyang ani ay kinakain ng gutom, at kinukuha na mula sa mga tinik, at ang silo ay nakabuka sa kanilang pag-aari.
L’affamato gli divora la raccolta, gliela rapisce perfino di tra le spine; e l’assetato gli trangugia i beni.
Sapagka't ang kadalamhatian ay hindi lumalabas sa alabok, ni bumubukal man sa lupa ang kabagabagan;
Ché la sventura non spunta dalla terra né il dolore germina dal suolo;
Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan. Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas.
ma l’uomo nasce per soffrire, come la favilla per volare in alto.
Nguni't sa ganang akin, ay hahanapin ko ang Dios, at sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap:
Io però vorrei cercar di Dio, e a Dio vorrei esporre la mia causa:
Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita; ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang:
a lui, che fa cose grandi, imperscrutabili, maraviglie senza numero;
Na siyang nagbibigay ng ulan sa lupa, at nagpapahatid ng tubig sa mga bukid;
che spande la pioggia sopra la terra e manda le acque sui campi;
Na anopa't kaniyang iniuupo sa mataas yaong nangasa mababa; at yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan.
che innalza quelli ch’erano abbassati e pone in salvo gli afflitti in luogo elevato;
Kaniyang sinasayang ang mga katha-katha ng mapagkatha, na anopa't hindi maisagawa ng kanilang mga kamay ang kanilang panukala.
che sventa i disegni degli astuti sicché le loro mani non giungono ad eseguirli;
Kaniyang hinuhuli ang pantas sa kanilang sariling katha: at ang payo ng suwail ay napapariwara.
che prende gli abili nella loro astuzia, sì che il consiglio degli scaltri va in rovina.
Kanilang nasasalunuan ang kadiliman sa araw, at nagsisikapa sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi.
Di giorno essi incorron nelle tenebre, in pien mezzodì brancolan come di notte;
Nguni't kaniyang inililigtas sa tabak ng kanilang bibig, sa makatuwid baga'y ang maralita sa kamay ng malakas.
ma Iddio salva il meschino dalla spada della lor bocca, e il povero di man del potente.
Na anopa't ang dukha ay may pagasa, at ang kasamaan ay nagtitikom ng kaniyang bibig.
E così pel misero v’è speranza, mentre l’iniquità ha la bocca chiusa.
Narito, maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios: kaya't huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat.
Beato l’uomo che Dio castiga! E tu non isdegnar la correzione dell’Onnipotente;
Sapagka't siya'y sumusugat, at nagtatapal; siya'y sumusugat, at pinagagaling ng kaniyang mga kamay.
giacché egli fa la piaga, poi la fascia; egli ferisce, ma le sue mani guariscono.
Kaniyang ililigtas ka sa anim na kabagabagan. Oo, sa pito, ay walang kasamaang kikilos sa iyo.
In sei distrette egli sarà il tuo liberatore e in sette il male non ti toccherà.
Sa kagutom ay tutubusin ka niya sa kamatayan; at sa pagdidigma ay sa kapangyarihan ng tabak.
In tempo di carestia ti scamperà dalla morte, in tempo di guerra dai colpi della spada.
Ikaw ay makukubli sa talas ng dila; na hindi ka man matatakot sa paggiba pagka dumarating.
Sarai sottratto al flagello della lingua, non temerai quando verrà il disastro.
Sa kagibaan at sa kasalatan ay tatawa ka; ni hindi ka matatakot sa mga ganid sa lupa.
In mezzo al disastro e alla fame riderai, non paventerai le belve della terra;
Sapagka't ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang; at ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo.
perché avrai per alleate le pietre del suolo, e gli animali de’ campi saran teco in pace.
At iyong makikilala na ang iyong tolda ay nasa kapayapaan; at iyong dadalawin ang iyong kulungan, at walang mawawala na anoman.
Saprai sicura la tua tenda; e, visitando i tuoi pascoli, vedrai che non ti manca nulla.
Iyo rin namang makikilala na ang iyong binhi ay magiging dakila, at ang iyong lahi ay gaya ng damo sa lupa.
Saprai che la tua progenie moltiplica, che i tuoi rampolli crescono come l’erba de’ campi.
Ikaw ay darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan. Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan.
Scenderai maturo nella tomba, come la bica di mannelle che si ripone a suo tempo.
Narito, aming siniyasat, at gayon nga; dinggin mo, at talastasin mo sa iyong ikabubuti.
Ecco quel che abbiam trovato, riflettendo. Così è. Tu ascolta, e fanne tuo pro".