Proverbs 5

Anak ko, pakinggan mo ang aking karunungan; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking unawa:
HIJO mío, está atento á mi sabiduría, Y á mi inteligencia inclina tu oído;
Upang makapagingat ka ng kabaitan, at upang ang iyong mga labi ay makapagingat ng kaalaman.
Para que guardes consejo, Y tus labios conserven la ciencia.
Sapagka't ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot, at ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis:
Porque los labios de la extraña destilan miel, Y su paladar es más blando que el aceite;
Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapait kay sa ahenho, matalas na parang tabak na may talim sa magkabila.
Mas su fin es amargo como el ajenjo, Agudo como cuchillo de dos filos.
Ang kaniyang mga paa ay nagsisibaba sa kamatayan; ang kaniyang mga hakbang ay nagsisihawak sa Sheol;
Sus pies descienden á la muerte; Sus pasos sustentan el sepulcro:
Na anopa't hindi niya nasusumpungan ang kapanatagan ng landas ng buhay; ang kaniyang mga lakad ay hindi panatag, at hindi niya nalalaman.
Sus caminos son instables; no los conocerás, Si no considerares el camino de vida.
Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at huwag kayong magsihiwalay sa mga salita ng aking bibig.
Ahora pues, hijos, oídme, Y no os apartéis de las razones de mi boca.
Ilayo mo ang iyong lakad sa kaniya, at huwag kang lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay:
Aleja de ella tu camino, Y no te acerques á la puerta de su casa;
Baka mo ibigay ang iyong karangalan sa iba, at ang iyong mga taon sa mga mabagsik:
Porque no des á los extraños tu honor, Y tus años á cruel;
Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan; at ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid;
Porque no se harten los extraños de tu fuerza, Y tus trabajos estén en casa del extraño;
At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas, pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw,
Y gimas en tus postrimerías, Cuando se consumiere tu carne y tu cuerpo,
At iyong sabihin, bakit ko kinayamutan ang turo, at hinamak ng aking puso ang saway:
Y digas: ¡Cómo aborrecí el consejo, Y mi corazón menospreció la reprensión;
Ni hindi ko man sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo, O ikiling ko man ang aking pakinig sa kanila na mga nagturo sa akin!
Y no oí la voz de los que me adoctrinaban, Y á los que me enseñaban no incliné mi oído!
Ako'y malapit sa lahat ng kasamaan sa gitna ng kapisanan at ng kapulungan.
Casi en todo mal he estado, En medio de la sociedad y de la congregación.
Uminom ka ng tubig sa iyong sariling tipunan ng tubig, at sa nagsisiagos na tubig sa iyong sariling balon.
Bebe el agua de tu cisterna, Y los raudales de tu pozo.
Mananabog ba ang iyong mga bukal sa kaluwangan, at mga agos ng tubig sa mga lansangan?
Derrámense por de fuera tus fuentes, En las plazas los ríos de aguas.
Maging iyong magisa, at huwag sa di kilala na kasama mo.
Sean para ti solo, Y no para los extraños contigo.
Pagpalain ang iyong bukal; at magalak ka sa asawa ng iyong kabataan.
Sea bendito tu manantial; Y alégrate con la mujer de tu mocedad.
Gaya ng maibiging usa at ng masayang usang babae, bigyan kang katiwasayan ng kaniyang dibdib sa buong panahon; at laging malugod ka sa kaniyang pagibig.
Como cierva amada y graciosa corza, Sus pechos te satisfagan en todo tiempo; Y en su amor recréate siempre.
Sapagka't bakit ka malulugod, anak ko, sa ibang babae, at yayakap sa sinapupunan ng di kilala?
¿Y por qué, hijo mío, andarás ciego con la ajena, Y abrazarás el seno de la extraña?
Sapagka't ang mga lakad ng tao ay nasa harap ng mga mata ng Panginoon, at kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas.
Pues que los caminos del hombre están ante los ojos de JEHOVÁ, Y él considera todas sus veredas.
Ang sarili niyang mga kasamaan ay kukuha sa masama. At siya'y matatalian ng mga panali ng kaniyang kasalanan.
Prenderán al impío sus propias iniquidades, Y detenido será con las cuerdas de su pecado.
Siya'y mamamatay sa kakulangan ng turo; at sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya.
Él morirá por falta de corrección; Y errará por la grandeza de su locura.