Job 3

Pagkatapos nito'y ibinuka ni Job ang kaniyang bibig at sinumpa ang kaniyang kaarawan.
DESPUÉS de esto abrió Job su boca, y maldijo su día.
At si Job ay sumagot, at nagsabi,
Y exclamó Job, y dijo:
Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin, at ang gabi na nagsabi, may lalaking ipinaglihi.
Perezca el día en que yo nací, Y la noche que se dijo: Varón es concebido.
Magdilim nawa ang kaarawang yaon; huwag nawang pansinin ng Dios mula sa itaas, ni silangan man ng liwanag.
Sea aquel día sombrío, Y Dios no cuide de él desde arriba, Ni claridad sobre él resplandezca.
Ang dilim at ang salimuot na kadiliman ang siyang mangagari niyaon; pag-ulapan nawa yaon; Pangilabutin nawa yaon ng lahat na nagpapadilim sa araw.
Aféenlo tinieblas y sombra de muerte; Repose sobre él nublado, Que lo haga horrible como caliginoso día.
Suma gabing yaon nawa ang pagsasalimuot ng kadiliman: huwag nawang kagalakan sa mga araw ng sangtaon; huwag nawang mapasok sa bilang ng mga buwan.
Ocupe la oscuridad aquella noche; No sea contada entre los días del año, Ni venga en él número de los meses.
Narito, mapagisa ang gabing yaon; huwag nawang datnan yaon ng masayang tinig.
¡Oh si fuere aquella noche solitaria, Que no viniera canción alguna en ella!
Sumpain nawa yaong nanganunumpa sa araw, ng nangamimihasang gumalaw sa buwaya.
Maldíganla los que maldicen al día, Los que se aprestan para levantar su llanto.
Mangagdilim nawa ang mga bituin ng pagtatakip-silim niyaon: maghintay nawa ng liwanag, nguni't huwag magkaroon: ni huwag mamalas ang mga bukang liwayway ng umaga:
Oscurézcanse las estrellas de su alba; Espere la luz, y no venga, Ni vea los párpados de la mañana:
Sapagka't hindi tinakpan ang mga pinto ng bahay-bata ng aking ina, o ikinubli man ang kabagabagan sa aking mga mata.
Por cuanto no cerró las puertas del vientre donde yo estaba, Ni escondió de mis ojos la miseria.
Bakit hindi pa ako namatay mula sa bahay-bata? Bakit di pa napatid ang aking hininga nang ipanganak ako ng aking ina?
¿Por qué no morí yo desde la matriz, Ó fuí traspasado en saliendo del vientre?
Bakit tinanggap ako ng mga tuhod? O bakit ng mga suso, na aking sususuhin?
¿Por qué me previnieron las rodillas? ¿Y para qué las tetas que mamase?
Sapagka't ngayon ay nahihiga sana ako at natatahimik; ako sana'y nakakatulog; na napapahinga ako:
Pues que ahora yaciera yo, y reposara; Durmiera, y entonces tuviera reposo,
Na kasama ng mga hari at ng mga kasangguni sa lupa, na nagsisigawa ng mga dakong ilang sa ganang kanila;
Con los reyes y con los consejeros de la tierra, Que edifican para sí los desiertos;
O ng mga pangulo na nangagkaroon ng ginto, na pumuno sa kanilang bahay ng pilak:
Ó con los príncipes que poseían el oro, Que henchían sus casas de plata.
O gaya sana ng nalagas na nakatago, na hindi nabuhay; gaya sana ng sanggol na kailan man ay hindi nakakita ng liwanag.
Ó ¿por qué no fuí escondido como aborto, Como los pequeñitos que nunca vieron luz?
Doo'y naglilikat ang masama sa pagbagabag; at doo'y nagpapahinga ang pagod.
Allí los impíos dejan el perturbar, Y allí descansan los de cansadas fuerzas.
Doo'y ang mga bihag ay nangagpapahingang magkakasama; hindi nila naririnig ang tinig ng nagpapaatag.
Allí asimismo reposan los cautivos; No oyen la voz del exactor.
Ang mababa at ang mataas ay nangaroon; at ang alipin ay laya sa kaniyang panginoon.
Allí están el chico y el grande; Y el siervo libre de su señor.
Bakit binibigyan ng liwanag ang nasa karalitaan, at ng buhay ang kaluluwang nasa kahirapan;
¿Por qué se da luz al trabajado, Y vida á los de ánimo en amargura,
Na naghihintay ng kamatayan, nguni't hindi dumarating; at hinahangad ng higit kaysa mga kayamanang nakatago;
Que esperan la muerte, y ella no llega, Aunque la buscan más que tesoros;
Na nagagalak ng di kawasa, at nangasasayahan, pagka nasumpungan ang libingan?
Que se alegran sobremanera, Y se gozan, cuando hallan el sepulcro?
Bakit binibigyan ng liwanag ang tao na kinalilingiran ng lakad, at ang kinulong ng Dios?
¿Por qué al hombre que no sabe por donde vaya, Y al cual Dios ha encerrado?
Sapagka't nagbubuntong hininga ako bago ako kumain, at ang aking mga angal ay bumubugsong parang tubig.
Pues antes que mi pan viene mi suspiro; Y mis gemidos corren como aguas.
Sapagka't ang bagay na aking kinatatakutan ay dumarating sa akin, at ang aking pinangingilabutan ay dumarating sa akin.
Porque el temor que me espantaba me ha venido, Y hame acontecido lo que temía.
Hindi ako tiwasay, ni ako man ay tahimik, ni ako man ay napapahinga; kundi kabagabagan ang dumarating.
No he tenido paz, no me aseguré, ni me estuve reposado; Vínome no obstante turbación.