Job 28

Tunay na may mina na mayroong pilak, at dako na ukol sa ginto na kanilang pinagdadalisayan.
Ha una miniera l’argento, e l’oro un luogo dove lo si affina.
Bakal ay hinuhukay sa lupa, at tanso ay binububo mula sa bato.
Il ferro si cava dal suolo, e la pietra fusa dà il rame.
Ang tao'y naglalagay ng wakas sa kadiliman, at sumisiyasat hanggang sa kalayulayuang hangganan ng mga bato ng kadiliman at salimuot na kadiliman.
L’uomo ha posto fine alle tenebre, egli esplora i più profondi recessi, per trovar le pietre che son nel buio, nell’ombra di morte.
Siya'y humuhukay ng malayo sa tinatahanan ng mga tao: nililimot ng paa na dumadaan nagbibitin doong malayo sa mga tao, sila'y umuugoy na paroo't parito.
Scava un pozzo lontan dall’abitato; il piede più non serve a quei che vi lavorano; son sospesi, oscillano lungi dai mortali.
Tungkol sa lupa, mula rito'y nanggagaling ang tinapay: at sa ilalim ay wari tinutuklap ng apoy.
Dalla terra esce il pane, ma, nelle sue viscere, è sconvolta come dal fuoco.
Ang mga bato nito'y kinaroroonan ng mga zafiro. At ito'y may alabok na ginto.
Le sue rocce son la dimora dello zaffiro, e vi si trova della polvere d’oro.
Yaong landas na walang ibong mangdadagit ay nakakaalam. Ni nakita man ng mata ng falkon:
L’uccello di rapina non conosce il sentiero che vi mena, né l’ha mai scorto l’occhio del falco.
Hindi natungtungan ng mga palalong hayop, ni naraanan man ng mabangis na leon,
Le fiere superbe non vi hanno messo piede, e il leone non v’è passato mai.
Kaniyang inilalabas ang kaniyang kamay sa batong pingkian; binabaligtad ng mga ugat ang mga bundok.
L’uomo stende la mano sul granito, rovescia dalle radici le montagne.
Siya'y nagbabangbang sa gitna ng mga bato; at ang kaniyang mata ay nakakakita ng bawa't mahalagang bagay.
Pratica trafori per entro le rocce, e l’occhio suo scorge quanto v’è di prezioso.
Kaniyang tinatalian ang mga lagaslas upang huwag umagos; at ang bagay na nakukubli ay inililitaw niya sa liwanag.
Infrena le acque perché non gemano, e le cose nascoste trae fuori alla luce.
Nguni't saan masusumpungan ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?
Ma la Sapienza, dove trovarla? E dov’è il luogo della Intelligenza?
Hindi nalalaman ng tao ang halaga niyaon; ni nasusumpungan man sa lupain ng may buhay.
L’uomo non ne sa la via, non la si trova sulla terra de’ viventi.
Sinasabi ng kalaliman. Wala sa akin: at sinasabi ng dagat: Hindi sumasaakin.
L’abisso dice: "Non è in me"; il mare dice: "Non sta da me".
Hindi mabibili ng ginto, ni matitimbangan man ng pilak ang halaga niyaon.
Non la si ottiene in cambio d’oro, né la si compra a peso d’argento.
Hindi mahahalagahan ng ginto sa Ophir, ng mahalagang onix, o ng zafiro.
Non la si acquista con l’oro di Ofir, con l’onice prezioso o con lo zaffiro.
Ginto at salamin ay hindi maihahalintulad doon: ni maipagpapalit man sa mga hiyas na dalisay na ginto.
L’oro ed il vetro non reggono al suo confronto, non la si dà in cambio di vasi d’oro fino.
Hindi mabibilang ang coral o ang cristal; Oo, ang halaga ng karunungan ay higit sa mga rubi.
Non si parli di corallo, di cristallo; la Sapienza val più delle perle.
Ang topacio sa Etiopia ay hindi maipapantay doon, ni mahahalagahan man ng dalisay na ginto.
Il topazio d’Etiopia non può starle a fronte, l’oro puro non ne bilancia il valore.
Saan nanggagaling nga ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?
Donde vien dunque la Sapienza? E dov’è il luogo della Intelligenza?
Palibhasa't nakukubli sa mga mata ng lahat na may buhay, at natatago sa mga ibon sa himpapawid.
Essa è nascosta agli occhi d’ogni vivente, è celata agli uccelli del cielo.
Ang kapahamakan at ang kamatayan ay nagsasabi, narinig namin ng aming mga pakinig ang bulungbulungan niyaon.
L’abisso e la morte dicono: "Ne abbiamo avuto qualche sentore".
Nauunawa ng Dios ang daan niyaon, at nalalaman niya ang dako niyaon.
Dio solo conosce la via che vi mena, egli solo sa il luogo dove dimora,
Sapagka't tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa, at nakikita ang silong ng buong langit;
perché il suo sguardo giunge sino alle estremità della terra, perch’egli vede tutto quel ch’è sotto i cieli.
Upang bigyan ng timbang ang hangin; Oo, kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan.
Quando regolò il peso del vento e fissò la misura dell’acque,
Nang siya'y gumawa ng pasiya sa ulan, at ng daan sa kidlat ng kulog:
quando dette una legge alla pioggia e tracciò la strada al lampo dei tuoni,
Nang magkagayo'y nakita niya ito, at inihayag; kaniyang itinatag ito, oo, at siniyasat.
allora la vide e la rivelò, la stabilì ed anche l’investigò.
At sa tao ay sinabi niya, Narito, ang pagkatakot sa Dios ay siyang karunungan; at ang paghiwalay sa kasamaan ay pagkaunawa.
E disse all’uomo: "Ecco: temere il Signore: questa è la Sapienza, e fuggire il male è l’Intelligenza"."