Job 30

Nguni't ngayo'y silang bata kay sa akin ay nagsisitawa sa akin, na ang mga magulang ay di ko ibig na malagay na kasama ng mga aso ng aking kawan.
但如今,比我年少的人戏笑我;其人之父我曾藐视,不肯安在看守我羊群的狗中。
Oo, ang kalakasan ng kanilang kamay, sa ano ko mapapakinabangan? Mga taong ang kalusugan ng gulang ay lumipas na.
他们壮年的气力既已衰败,其手之力与我何益呢?
Sila'y lata sa pangangailangan at sa kagutom; kanilang nginangata ang tuyong lupa, sa kadiliman ng kasalatan at kapahamakan.
他们因穷乏饥饿,身体枯瘦,在荒废凄凉的幽暗中,龈干燥之地,
Sila'y nagsisibunot ng mga malvas sa tabi ng mabababang punong kahoy; at ang mga ugat ng enebro ay siyang kanilang pinakapagkain.
在草丛之中采咸草,罗腾(小树名,松类)的根为他们的食物。
Sila'y pinalayas mula sa gitna ng mga tao; sila'y sumisigaw sa likuran nila, na gaya ng sa likuran ng isang magnanakaw.
他们从人中被赶出;人追喊他们如贼一般,
Upang sila'y magsitahan sa nakatatakot na mga libis, sa mga puwang ng lupa, at ng mga bato.
以致他们住在荒谷之间,在地洞和巖穴中;
Sa gitna ng mabababang punong kahoy ay nagsisiangal; sa ilalim ng mga tinikan ay nangapipisan.
在草丛中叫唤,在荆棘下聚集。
Mga anak ng mga mangmang, oo, mga anak ng mga walang puring tao; sila'y mga itinapon mula sa lupain.
这都是愚顽下贱人的儿女;他们被鞭打,赶出境外。
At ngayon ay naging kantahin nila ako, Oo, ako'y kasabihan sa kanila.
现在这些人以我为歌曲,以我为笑谈。
Kanilang kinayayamutan ako, nilalayuan nila ako, at hindi sila nagpipigil ng paglura sa aking mukha.
他们厌恶我,躲在旁边站著,不住地吐唾沫在我脸上。
Sapagka't kinalag niya ang kaniyang panali, at pinighati ako, at kanilang inalis ang paningkaw sa harap ko.
松开他们的绳索苦待我,在我面前脱去辔头。
Sa aking kanan ay tumatayo ang tanga; itinutulak nila ang aking mga paa, at kanilang pinapatag laban sa akin ang kanilang mga paraan ng paghamak.
这等下流人在我右边起来,推开我的脚,筑成战路来攻击我。
Kanilang sinisira ang aking landas, kanilang isinusulong ang aking kapahamakan, mga taong walang tumulong.
这些无人帮助的,毁坏我的道,加增我的灾。
Tila dumarating sila sa isang maluwang na pasukan: sa gitna ng kasiraan ay nagsisigulong sila.
他们来如同闯进大破口,在毁坏之间滚在我身上。
Mga kakilabutan ay dumadagan sa akin, kanilang tinatangay ang aking karangalan na gaya ng hangin; at ang aking kaginhawahan ay napaparam na parang alapaap.
惊恐临到我,驱逐我的尊荣如风;我的福禄如云过去。
At ngayo'y nanglulupaypay ang aking kaluluwa sa loob ko; mga kaarawan ng pagkapighati ay humawak sa akin.
现在我心极其悲伤;困苦的日子将我抓住。
Sa gabi ay nagaantakan ang aking mga buto, at ang mga antak na nagpapahirap sa akin ay hindi nagpapahinga.
夜间,我里面的骨头刺我,疼痛不止,好像龈我。
Sa matinding karahasan ng aking sakit ay nagiging katuwa ang aking suot: tumatali sa akin sa palibot na gaya ng leeg ng aking baro.
因 神的大力,我的外衣污秽不堪,又如里衣的领子将我缠住。
Inihahagis niya ako sa banlik, at ako'y naging parang alabok at mga abo.
 神把我扔在淤泥中,我就像尘土和炉灰一般。
Ako'y dumadaing sa iyo, at hindi mo ako sinasagot: ako'y tumatayo, at minamasdan mo ako.
主啊,我呼求你,你不应允我;我站起来,你就定睛看我。
Ikaw ay naging mabagsik sa akin: sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong kamay ay hinahabol mo ako.
你向我变心,待我残忍,又用大能追逼我,
Itinataas mo ako sa hangin, pinasasakay mo ako roon; at tinutunaw mo ako sa bagyo.
把我提在风中,使我驾风而行,又使我消灭在烈风中。
Sapagka't talastas ko na iyong dadalhin ako sa kamatayan, at sa bahay na takda sa lahat na may buhay.
我知道要使我临到死地,到那为众生所定的阴宅。
Gayon man ang isa ay di ba naguunat ng kamay sa kaniyang pagkahulog? O sa kaniyang kasakunaan kung kaya sisigaw ng tulong?
然而,人仆倒岂不伸手?遇灾难岂不求救呢?
Hindi ko ba iniyakan yaong nasa kabagabagan? Hindi ba ang aking kaluluwa ay nakikidamay sa mapagkailangan?
人遭难,我岂不为他哭泣呢?人穷乏,我岂不为他忧愁呢?
Pagka ako'y humahanap ng mabuti, ang kasamaan nga ang dumarating: at pagka ako'y naghihintay ng liwanag ay kadiliman ang dumarating.
我仰望得好处,灾祸就到了;我等待光明,黑暗便来了。
Ang aking puso'y nababagabag at walang pahinga; mga araw ng kapighatian ay dumating sa akin.
我心里烦扰不安,困苦的日子临到我身。
Ako'y yumayaong tumatangis na walang araw; ako'y tumatayo sa kapulungan at humihinging tulong.
我没有日光就哀哭行去(或译:我面发黑并非因日晒);我在会中站著求救。
Ako'y kapatid ng mga chakal, at mga kasama ng mga avestruz.
我与野狗为弟兄,与鸵鸟为同伴。
Ang aking balat ay maitim, at natutuklap, at ang aking mga buto ay nagpapaltos.
我的皮肤黑而脱落;我的骨头因热烧焦。
Kaya't ang aking alpa ay naging panangis, at ang aking flauta ay naging tinig ng umiiyak.
所以,我的琴音变为悲音;我的箫声变为哭声。