Psalms 102

תפלה לעני כי יעטף ולפני יהוה ישפך שיחו יהוה שמעה תפלתי ושועתי אליך תבוא׃
Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon, at dumating nawa ang daing ko sa iyo.
אל תסתר פניך ממני ביום צר לי הטה אלי אזנך ביום אקרא מהר ענני׃
Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan: ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; sa araw na ako'y tumawag, ay sagutin mo akong madali.
כי כלו בעשן ימי ועצמותי כמו קד נחרו׃
Sapagka't ang mga kaarawan ko'y nangapapawi na parang usok, at ang mga buto ko'y nangasusunog na parang panggatong.
הוכה כעשב ויבש לבי כי שכחתי מאכל לחמי׃
Ang puso ko'y nasaktan na parang damo, at natuyo; sapagka't nalimutan kong kanin ang aking tinapay.
מקול אנחתי דבקה עצמי לבשרי׃
Dahil sa tinig ng aking daing ang mga buto ko'y nagsisidikit sa aking laman.
דמיתי לקאת מדבר הייתי ככוס חרבות׃
Ako'y parang pelikano sa ilang; ako'y naging parang kuwago sa kaparangan.
שקדתי ואהיה כצפור בודד על גג׃
Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan.
כל היום חרפוני אויבי מהוללי בי נשבעו׃
Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw; silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin.
כי אפר כלחם אכלתי ושקוי בבכי מסכתי׃
Sapagka't kinain ko ang mga abo na parang tinapay, at hinaluan ko ang aking inumin ng iyak.
מפני זעמך וקצפך כי נשאתני ותשליכני׃
Dahil sa iyong galit at iyong poot: sapagka't ako'y iyong itinaas, at inihagis.
ימי כצל נטוי ואני כעשב איבש׃
Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling; at ako'y natuyo na parang damo.
ואתה יהוה לעולם תשב וזכרך לדר ודר׃
Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man; at ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi.
אתה תקום תרחם ציון כי עת לחננה כי בא מועד׃
Ikaw ay babangon at maaawa sa Sion: sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya, Oo, ang takdang panahon ay dumating.
כי רצו עבדיך את אבניה ואת עפרה יחננו׃
Sapagka't nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato, at nanghihinayang sa kaniyang alabok.
וייראו גוים את שם יהוה וכל מלכי הארץ את כבודך׃
Sa gayo'y katatakutan ng mga bansa ang pangalan ng Panginoon. At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian;
כי בנה יהוה ציון נראה בכבודו׃
Sapagka't itinayo ng Panginoon ang Sion, siya'y napakita sa kaniyang kaluwalhatian;
פנה אל תפלת הערער ולא בזה את תפלתם׃
Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon, at hindi hinamak ang kanilang dalangin.
תכתב זאת לדור אחרון ועם נברא יהלל יה׃
Ito'y isusulat na ukol sa lahing susunod: at ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon.
כי השקיף ממרום קדשו יהוה משמים אל ארץ הביט׃
Sapagka't siya'y tumungo mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario; tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit;
לשמע אנקת אסיר לפתח בני תמותה׃
Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo: upang kalagan yaong nangaitakdang patayin;
לספר בציון שם יהוה ותהלתו בירושלם׃
Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion, at ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem;
בהקבץ עמים יחדו וממלכות לעבד את יהוה׃
Nang ang mga bayan ay mapisan, at ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon.
ענה בדרך כחו קצר ימי׃
Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan; kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko.
אמר אלי אל תעלני בחצי ימי בדור דורים שנותיך׃
Aking sinabi, Oh Dios ko, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan; ang mga taon mo'y lampas sa mga sali't saling lahi.
לפנים הארץ יסדת ומעשה ידיך שמים׃
Nang una ay inilagay mo ang patibayan ng lupa; at ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay.
המה יאבדו ואתה תעמד וכלם כבגד יבלו כלבוש תחליפם ויחלפו׃
Sila'y uuwi sa wala, nguni't ikaw ay mananatili: Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan; parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila'y mga mapapalitan:
ואתה הוא ושנותיך לא יתמו׃
Nguni't ikaw rin, at ang mga taon mo'y hindi magkakawakas.
בני עבדיך ישכונו וזרעם לפניך יכון׃
Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi, at ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo.