Genesis 24

At si Abraham ay matanda na, at lipas na sa panahon: at pinagpala ng Panginoon si Abraham sa lahat ng mga bagay.
Ábrahám pedig vén élemedett *ember* vala, és az Úr mindenben megáldotta vala Ábrahámot.
At sinabi ni Abraham sa kaniyang alilang katiwala, sa pinakamatanda sa kaniyang bahay na namamahala ng lahat niyang tinatangkilik: Ipinamamanhik ko sa iyo na ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita:
Monda azért Ábrahám az ő háza öregebb szolgájának, a ki őnéki mindenében gazda vala: Tedd a kezed tomporom alá!
At ikaw ay aking pasusumpain, alangalang sa Panginoon sa Dios ng langit at Dios ng lupa, na hindi mo papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak ng mga Cananeo na siyang aking pinakikitahanan:
Hogy megeskesselek téged az Úrra, a mennynek Istenére, és a földnek Istenére, hogy nem vészesz feleséget az én fiamnak a Kananeusok leányai közűl, a kik között lakom.
Kundi ikaw ay paroroon sa aking lupain, at sa aking kamaganakan, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak na si Isaac.
Hanem elmégysz az én hazámba, és az én rokonságim közé és *onnan* vészesz feleséget az én fiamnak Izsáknak.
At sinabi sa kaniya ng lingkod, Sakaling hindi iibigin ng babae na sumama sa akin sa lupaing ito: dapat ko bang ibalik ang anak mo sa lupaing pinanggalingan mo?
Monda pedig őnéki a szolga: Hátha az a leányzó nem akar velem eljőni e földre, ugyan vissza vigyem-é a te fiadat arra a földre, a honnan kijöttél vala?
At sinabi sa kaniya ni Abraham, Ingatan mong huwag ibalik doon ang aking anak.
Felele néki Ábrahám: Vigyázz, az én fiamat oda vissza ne vidd.
Ang Panginoon, ang Dios ng langit, na kumuha sa akin sa bahay ng aking ama, at sa lupaing aking tinubuan, at sa akin ay nagsalita, at sa akin ay sumumpa, na nagsasabi, Sa iyong binhi, ibibigay ko ang lupaing ito: ay magsusugo siya ng kaniyang anghel sa unahan mo, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak.
Az Úr az égnek Istene, ki engemet kihozott az én atyámnak házából, és az én rokonságimnak földéről, a ki szólt nékem, és megesküdött nékem mondván: A te magodnak adom ezt a földet; elbocsátja az ő Angyalát te előtted, hogy onnan végy az én fiamnak feleséget.
At kung ang babae ay ayaw sumama sa iyo, ay maliligtas ka rito sa aking sumpa; huwag mo lamang pabalikin ang aking anak doon.
Hogyha pedig nem akar a leányzó teveled eljőni, ment lészesz az én esketésem alól; csakhogy az én fiamat oda vissza ne vidd.
At inilagay ng alilang katiwala ang kaniyang kamay sa ilalim ng hita ni Abraham na kaniyang panginoon, at sumumpa sa kaniya tungkol sa bagay na ito.
Veté azért a szolga az ő kezét az ő urának Ábrahámnak tompora alá, és megesküvék néki e dolog felől.
At kumuha ang alilang katiwala ng sangpung kamelyo sa mga kamelyo ng kaniyang panginoon, at yumaon; na dala ang pinakamabuti sa lahat ng pag-aari ng kaniyang panginoon: at tumindig at napasa Mesopotamia, sa bayan ni Nachor.
És vőn a szolga tíz tevét az ő urának tevéi közűl, és elindula; (mert az urának minden gazdagsága az ő kezében vala). Felkele tehát és elméne Mésopotámiába, a Nákhor városába.
At kaniyang pinaluhod ang mga kamelyo sa labas ng bayan, sa tabi ng balon ng tubig, ng dakong palubog na ang araw, na kapanahunan nang paglabas ng mga babae upang umigib ng tubig.
És megpihenteté a tevéket a városon kivűl egy kútfőnél, este felé, mikor a *leányok* vizet meríteni járnak.
At sinabi, Oh Panginoon, Dios ng aking panginoong si Abraham, ipinamamanhik ko sa iyong pagkalooban mo ako ng mabuting kapalaran ngayon, at ikaw ay magmagandang loob sa aking panginoong kay Abraham.
És monda: Uram! én uramnak Ábrahámnak Istene, hozd elém *még* ma, és légy kegyelmes az én uram Ábrahám iránt.
Narito, ako'y nakatayo sa tabi ng bukal ng tubig: at ang mga anak na babae ng mga tao sa bayan, ay nagsilabas upang umigib ng tubig:
Ímé én a víz forrása mellé állok és e város lakosainak leányai kijőnek vizet meríteni.
At mangyari nga na ang dalagang aking pagsabihan, Ibaba mo, isinasamo ko sa iyo, ang iyong banga upang ako'y uminom; at siya'y magsabi, Uminom ka, at paiinumin ko pati ng iyong mga kamelyo: maging siyang iyong itinalaga sa iyong lingkod na kay Isaac: at sa ganito ay malalaman kong nagmagandang loob ka sa aking panginoon.
Legyen azért, hogy a mely leánynak ezt mondom: Hajtsd meg a te vedredet, hogy igyam, és az azt mondándja: igyál, sőt a te tevéidet is megitatom: hogy azt rendelted légyen a te szolgádnak Izsáknak, és erről ismerjem meg, hogy irgalmasságot cselekedtél az én urammal.
At nangyari, na bago natapos ang pananalita niya, ay narito si Rebeca na ipinanganak kay Bethuel, na anak ni Milca, na asawa ni Nachor na kapatid ni Abraham na lumalabas na pasan ang kaniyang banga sa kaniyang balikat.
És lőn, minekelőtte elvégezte volna a beszédet, ímé jő vala Rebeka, Bethuélnek leánya, a ki Milkhának, az Ábrahám testvérének Nákhor feleségének vala fia, és pedig vedrével a vállán.
At ang babae ay may magandang anyo, dalaga, na hindi pa nasisipingan ng lalake: at lumusong sa bukal, at pinuno ang kaniyang banga, at umahon.
A leányzó pedig felette szép ábrázatú vala; szűz, és férfi még nem ismeré őt, és aláméne a forrásra, és megtölté vedrét, és feljöve.
At tumakbong sinalubong siya ng alilang katiwala na sinabi, Makikiinom ako ng kaunting tubig sa iyong banga.
Akkor a szolga eleibe futamodék és monda: Kérlek, adj innom nékem egy kevés vizet a te vedredből.
At sinabi niya, Uminom ka, panginoon ko: at nagmadaling ibinaba ang banga sa kaniyang kamay, at pinainom siya.
Az pedig monda: Igyál uram! és sietve leereszté a vedret az ő kezére, és inni ada néki.
At pagkatapos na kaniyang mapainom, ay sinabi, Iyiigib ko naman ang iyong mga kamelyo, hanggang sa makainom na lahat.
És minekutána eleget adott néki innia, monda: A te tevéidnek is merítek, míg eleget nem isznak.
At ibinuhos na dalidali ang kaniyang banga sa inuman, at tumakbong muli sa balon upang umigib at iniigib ang lahat niyang kamelyo.
És sietett és kiüríté vedrét a válúba és ismét elfuta a forrásra meríteni, és meríte mind az ő tevéinek.
At siya'y tinitigan ng lalake; na hindi umiimik, upang maalaman kung pinagpala ng Panginoon ang kaniyang paglalakbay o hindi.
Az ember pedig álmélkodva néz vala reá, és veszteg hallgat vala, tudni akarván: vajjon szerencséssé teszi-é az Úr az ő útját, vagy nem.
At nangyari, nang makainom ang mga kamelyo, na kumuha ang lalake ng isang singsing na ginto, na may kalahating siklo sa timbang, at dalawang pulsera upang ilagay sa kaniyang mga kamay, na may timbang na sangpung siklong ginto;
És lőn, mikor a tevék már eleget ittak, elévőn az ember egy aranyfüggőt, a melynek súlya fél siklus, és két karpereczet, a melynek súlya tíz arany.
At sinabi, Kaninong anak ka? sabihin mo sa akin, ipinamamanhik ko sa iyo. May lugar ba sa bahay ng iyong ama na aming matutuluyan?
És monda: Kinek a leánya *vagy* te? kérlek mondd meg nékem: van-é a te atyádnak házában hálásra való helyünk?
At sinabi niya sa kaniya, Anak ako ni Bethuel, na anak ni Milca, na ipinanganak niya kay Nahor.
Az pedig felele néki: Bethuél leánya vagyok a Milkha fiáé, a kit ő Nákhornak szűlt.
Sinabi rin niya sa kaniya, Mayroon din naman kaming saganang dayami at pagkain sa hayop, at dakong matutuluyan.
Azt is mondá: Szalma is, abrak is bőven van minálunk, és hálásra való hely is van.
At lumuhod ang lalake at sumamba sa Panginoon.
Meghajtá azért magát az ember, és imádá az Urat.
At siya'y nagsabi, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng aking panginoong si Abraham, na hindi inilayo ang kaniyang habag at ang kaniyang pagtatapat, sa aking panginoon: tungkol sa akin, ay pinatnugutan ako ng Panginoon sa daan hanggang sa bahay ng mga kapatid ng aking panginoon.
És monda: Áldott az Úr az én uramnak Ábrahámnak Istene, ki nem vonta meg az ő irgalmasságát és hűségét az én uramtól. Az Úr vezérlett engem ez útamban az én uram atyjafiainak házához.
At tumakbo ang dalaga at isinaysay sa sangbahayan ng kaniyang ina ang ayon sa mga salitang ito.
Elfuta azonközben a leányzó, és elbeszélé az ő anyja házában, a mint ezek *történtek.*
At mayroon si Rebeca na isang kapatid na nagngangalang Laban: at tinakbo ni Laban ang lalake sa labas, sa bukal.
Vala pedig Rebekának egy bátyja, kinek neve Lábán vala. És kifutamodék Lábán ahhoz az emberhez a forráshoz.
At nangyari, pagkakita ng singsing, at ng mga pulsera sa mga kamay ng kaniyang kapatid, at pagkarinig ng mga salita ni Rebeca na kaniyang kapatid, na sinasabi, Gayon sinalita sa akin ng lalake; na naparoon siya sa lalake; at narito, ito'y nakatayo sa siping ng mga kamelyo, sa bukal.
Mert mikor látta a függőt, és a pereczeket az ő húgának karjain, és hallotta húgának Rebekának beszédét, a ki ezt mondja vala: Így szóla nékem az a férfiú; akkor méne ki a férfiúhoz; és ímé ez ott áll vala a tevék mellett a forrásnál.
At sinabi niya, Pumasok ka, pinagpala ng Panginoon; bakit ka nakatayo sa labas? sapagka't inihanda ko ang bahay, at ang dako ng mga kamelyo.
És monda: Jőjj be Istennek áldott embere; mit állasz ide kinn? holott én elkészítettem a házat, és a tevéknek is van hely.
At pumasok ang lalake sa bahay, at kinalagan ang mga kamelyo; at binigyan ni Laban ng dayami at pagkain ang mga kamelyo, at ng tubig upang ipaghugas ng kaniyang mga paa, at ng mga paa ng mga taong kasama niya.
Beméne azért a férfiú a házhoz, ő pedig lenyergelé a tevéket, és ada a tevéknek szalmát és abrakot; és vizet az ő lábai megmosására és az emberek lábainak, kik ő vele valának.
At siya'y hinainan nila ng pagkain: datapuwa't kaniyang sinabi, Hindi ako kakain hanggang hindi ko nasasabi ang aking sadya. At sinabi ni Laban, Magsalita ka.
És enni valót tevének eleibe, de ő monda: Nem eszem, míg el nem mondom az én beszédemet. És szóla: Mondd el.
At kaniyang sinabi, Alilang katiwala ako ni Abraham.
Monda azért: Én az Ábrahám szolgája vagyok.
At pinagpalang mainam ng Panginoon ang aking panginoon; at siya'y naging dakila: at siya'y binigyan ng kawan at bakahan, at ng pilak at ng ginto, at ng mga aliping lalake, at babae, at ng mga kamelyo, at ng mga asno.
Az Úr pedig igen megáldotta az én uramat, úgy hogy nagygyá lett: mert adott néki juhokat, barmokat, ezüstöt, aranyat, szolgákat, szolgálóleányokat, tevéket, szamarakat.
At si Sara na asawa ng aking panginoon, ay nagkaanak ng lalake sa aking panginoon, nang siya'y matanda na: at siyang pinagbigyan ni Abraham ng kaniyang lahat na inaari.
És Sára az én uramnak felesége fiat szűlt az én uramnak, az ő vénségében, és annak adá mindenét, a mije van.
At pinapanumpa ako ng aking panginoon, na sinasabi, Huwag mong papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak na babae ng mga Cananeo na siyang lupaing aking tinatahanan:
Engem pedig megesküdtetett az én uram, mondván: Ne végy feleséget az én fiamnak a Kananeusok leányai közűl, a kiknek földjén én lakom.
Kundi paroroon ka sa bahay ng aking ama at sa aking kamaganakan, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak.
Hanem menj el az én atyámnak házához, és az én rokonságom közé, hogy *onnan* végy feleséget az én fiamnak.
At sinabi ko sa aking panginoon, Sakaling hindi iibigin ng babaing sumama sa akin.
Mikor pedig azt mondám az én uramnak: Hátha nem akarna velem az a leányzó eljőni?
At kaniyang sinabi sa akin, Ang Panginoon na sa harap niya'y lumalakad ako, ay susuguin niyang kasama mo ang kaniyang anghel, at kaniyang pagpapalain ang iyong lakad, at papag-aasawahin mo ang aking anak sa aking kamaganakan, at sa angkan ng aking ama:
Monda nékem: Az Úr, a kinek én színe előtt jártam, elbocsátja az ő angyalát teveled, és szerencséssé teszi a te útadat, hogy feleséget vehess az én fiamnak az én nemzetségem közűl, és az én atyám házából.
Kung magkagayo'y makakakawala ka sa aking sumpa, pagka ikaw ay dumating sa aking kamaganakan; at kung hindi nila ibigay sa iyo, ay makakakawala ka sa aking sumpa.
Csak akkor leszesz fölmentve esketésem alól, ha elmenéndesz az én nemzetségem közé; és ha nem adják oda: ment leszesz az én esketésem alól.
At dumating ako ng araw na ito, sa bukal, at aking sinabi, Oh Panginoon, na Dios ng aking panginoong si Abraham, kung ngayo'y pinagpapala mo ang aking lakad na nilalakad ko:
Mikor ma a forráshoz érkezém, mondék: Uram, én uramnak, Ábrahámnak Istene, vajha szerencséssé tennéd az én útamat, melyen járok:
Narito, nakatayo ako sa tabi ng bukal ng tubig; at mangyari, na ang dalagang lumabas na umigib na aking pagsasabihan, Makikiinom ako sa iyo ng kaunting tubig sa iyong banga;
Ímé én e forrás mellett állok; és legyen, hogy az a hajadon, a ki kijön vizet meríteni, s a kinek azt mondom: Adj innom nékem egy kevés vizet a te vedredből,
At siya'y magsasabi sa akin, Uminom ka, at iyigib ko pati ng iyong mga kamelyo: ay siyang maging babaing itinalaga ng Panginoon sa anak ng aking panginoon.
És az ezt mondja nékem: Te is igyál, és a te tevéidnek is merítek; az legyen a feleség, a kit az Úr az én uram fiának rendelt.
At bago ko nasalita sa sarili, narito si Rebeca, na lumalabas na pasan ang kaniyang banga sa kaniyang balikat; at lumusong sa bukal at umigib: at aking sinabi sa kaniya, Makikiinom ako sa iyo.
Én még el sem végeztem vala az én szívemben a beszédet, és ímé kijő vala Rebeka, vedrével a vállán, és leméne a forrásra és meríte, én pedig mondék néki: Adj innom kérlek.
At dalidali niyang ibinaba ang kaniyang banga sa kaniyang balikat, at nagsabi, Uminom ka, at paiinumin ko pati ng iyong mga kamelyo: sa gayo'y uminom ako, at pinainom niya pati ng mga kamelyo,
Ő pedig sietett és leereszté az ő vedrét és monda: Igyál, sőt a te tevéidnek is inni adok; és én ivám, s a tevéknek is inni ada.
At siya'y aking tinanong, at aking sinabi, Kaninong anak ka? at kaniyang sinabi, Anak ako ni Bethuel, na anak ni Nachor, na ipinanganak sa kaniya ni Milca: at inilagay ko ang hikaw sa kaniyang ilong, at ang mga pulsera sa kaniyang mga kamay.
És megkérdezém őt és mondék: Ki leánya vagy? ő pedig felele: Bethuélnek, a Nákhor fiának leánya vagyok, a kit Milkha szűlt vala őnéki. Ekkor a függőt orrába, és e pereczeket karjaira tevém.
At aking iniyukod ang aking ulo, at sumamba ako sa Panginoon at pumuri sa Panginoon, na Dios ng aking panginoong si Abraham, na pumatnubay sa akin sa daang matuwid upang kunin ang anak ng kapatid ng aking panginoon, para sa kaniyang anak.
Meghajtván azért magamat, imádám az Urat, és áldám az Urat, az én uramnak Ábrahámnak Istenét, ki engem igaz úton vezérelt, hogy az én uram atyjafiának leányát vegyem az ő fiának *feleségűl.*
At ngayon, kung inyong mamagandahing loob at mamatapatin sa aking panginoon ay sabihin ninyo sa akin: at kung hindi, ay sabihin din ninyo sa akin; upang pumihit ako sa kanan o sa kaliwa.
Most azért, ha szeretettel és hűséggel akartok lenni az én uramhoz, mondjátok meg; ha pedig nem, adjátok tudtomra, hogy én vagy jobbra vagy balra forduljak.
Nang magkagayo'y sumagot si Laban at si Bethuel, at sinabi, Sa Panginoon nagmumula ito: kami ay hindi makapagsasabi sa iyo ng masama o ng mabuti.
És felele Lábán és Bethuél, és mondának: Az Úrtól van e dolog: Nem mondhatunk neked sem jót, sem rosszat.
Narito, si Rebeca ay nasa harap mo, dalhin mo, at yumaon ka, at siya'y maging asawa ng anak ng iyong panginoon, na gaya ng sinalita ng Panginoon.
Ímé előtted van Rebeka, vegyed, menj el; és legyen felesége a te urad fiának, a mint az Úr elvégezte.
At nangyari, na pagkarinig ng alilang katiwala ni Abraham ng kaniyang mga salita, ay nagpatirapa sa lupa sa harap ng Panginoon.
És lőn, a mint hallja vala az Ábrahám szolgája azoknak beszédét, meghajtá magát a földig az Úr előtt.
At naglabas ang alilang katiwala ng mga hiyas na pilak at mga hiyas na ginto, at mga damit, at mga ibinigay kay Rebeca: nagbigay rin siya ng mga mahalagang bagay sa kaniyang kapatid na lalake at sa kaniyang ina.
És hoza elő a szolga ezüst edényeket és arany edényeket és ruhákat, és adá azokat Rebekának: drága ajándékokat ada az ő bátyjának is és az ő anyjának.
At nangagsikain at nangagsiinom siya at ang mga taong kasama niya, at doon nagparaan ng magdamag, at sila'y nagsibangon ng umaga at kaniyang sinabi, Suguin ninyo ako sa aking panginoon.
Evének azután és ivának, ő és a férfiak, a kik ő vele valának, és ott hálának. Mikor pedig felkelének reggel, monda: Bocsássatok el engem az én uramhoz.
At sinabi ng kaniyang kapatid na lalake, at ng kaniyang ina, Matira ang dalaga sa aming ilang araw, sangpung araw man lamang; pagkatapos ay paroroon siya.
Monda pedig a leány bátyja és anyja: Maradjon velünk a leány még vagy tíz napig, azután menjen el.
At sinabi niya sa kanila, Huwag ninyo akong pigilin, yamang pinagpala ng Panginoon ang aking lakad; papagpaalamin na ninyo ako, upang ako'y umuwi sa aking panginoon.
A *szolga pedig* monda nékik: Ne késleljetek meg engem, holott az Úr szerencséssé tette az én útamat; bocsássatok el azért engem, hogy menjek az én uramhoz.
At kanilang sinabi, Tatawagin namin ang dalaga at uusisain namin sa kaniyang bibig.
Mondának akkor: Hívjuk elő a leányt, és kérdjük meg őt.
At kanila ngang tinawag si Rebeca, at kanilang sinabi sa kaniya, Sasama ka ba sa lalaking ito? At sinabi niya, Sasama ako.
Szólíták azért Rebekát, és mondának néki: Akarsz-é elmenni e férfiúval? és monda: Elmegyek.
At kanilang pinapagpaalam si Rebeca na kanilang kapatid, at ang kaniyang yaya, at ang alilang katiwala ni Abraham, at ang kaniyang mga tao.
Elbocsáták azért Rebekát, az ő húgokat, és az ő dajkáját, és az Ábrahám szolgáját, és az ő embereit.
At kanilang binasbasan si Rebeca, at sinabi nila sa kaniya, Kapatid namin, maging ina ka nawa ng yutayuta, at kamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan niyaong mga napopoot sa kanila.
És megáldák Rebekát, és mondák néki: Te mi húgunk! szaporodjál ezerszer való ezerig. És bírja a te magod az ő ellenségeinek kapuját.
At tumindig si Rebeca, at ang kaniyang mga abay, at nangagsisakay sa mga kamelyo, at nangagsisunod sa lalake; at dinala ng alilang katiwala si Rebeca at yumaon.
És felkele Rebeka és az ő szolgálóleányai, és felűlének a tevékre, s követék azt a férfiút. Így vevé a szolga Rebekát, és elméne.
At si Isaac ay nanggaling sa daang Beer-lahai-roi; sapagka't siya'y natira sa lupaing Timugan.
Izsák pedig visszajő vala a Lakhai Rói forrástól; és lakik vala a déli tartományban.
At lumabas si Isaac sa parang upang magmunimuni ng dakong hapon: at kaniyang itiningin ang kaniyang mga mata, at kaniyang nakita, at, narito, may dumarating na mga kamelyo.
És kiméne Izsák este felé elmélkedni a mezőre, és felemelé szemeit és látá, hogy ímé tevék jőnek.
Itiningin naman ni Rebeca ang kaniyang mga mata at nang makita niya si Isaac, ay bumaba sa kamelyo.
Rebeka is felemelé szemeit s meglátá Izsákot, és leszálla a tevéről.
At sinabi ni Rebeca sa alilang katiwala, Sino yaong taong naglalakad sa parang na sumasalubong sa atin? At sinabi ng alilang katiwala, Yaon ang aking panginoon: at kinuha niya ang kaniyang lambong, at siya'y nagtakip.
És monda a szolgának: Kicsoda az a férfiú, a ki a mezőn előnkbe jő? A szolga pedig monda: Az én uram ő. Akkor fogta a fátyolt és elfedezé magát.
At isinaysay ng alilang katiwala kay Isaac ang lahat ng kaniyang ginawa.
Elbeszélé azután a szolga Izsáknak mindazokat a dolgokat, a melyeket cselekedett vala.
At dinala siya ni Isaac sa tolda ni Sara na kaniyang ina, at ipinagsama si Rebeca, at naging kaniyang asawa: at kaniya namang sininta: at naaliw si Isaac, pagkamatay ng kaniyang ina.
Izsák pedig bevivé *Rebekát* Sárának az ő anyjának sátorába. És elvevé Rebekát és lőn néki felesége és szereté őt. S megvigasztalódék Izsák az ő anyja *halála* után.