At si Jabes ay bantog kay sa kaniyang mga kapatid: at tinawag ng kaniyang ina ang kaniyang pangalan na Jabes, na sinasabi, Sapagka't ipinanganak kong may kahirapan siya.
At si Jabes ay dumalangin sa Dios ng Israel, na nagsasabi, Oh ako nawa'y iyong pagpalain, at palakihin ang aking hangganan, at ang iyong kamay ay suma akin, at ingatan mo ako sa kasamaan, na huwag akong maghirap! At ipinagkaloob ng Dios sa kaniya ang kaniyang hiniling.
At ipinanganak ng kaniyang asawang Judia si Jered, na ama ni Gedor, at si Heber na ama ni Socho, at si Icuthiel na ama ni Zanoa. At ito ang mga anak ni Bethia na anak na babae ni Faraon, na naging asawa ni Mered.
Ang mga anak ni Sela na anak ni Juda: si Er na ama ni Lecha, at si Laada na ama ni Maresa, at ang mga angkan ng sangbahayan ng nagsisigawa ng mainam na kayong lino, sa sangbahayan ni Asbea;
At si Jaocim, at ang mga lalake ni Chozeba, at si Joas, at si Saraph, na siyang mga nagpasuko sa Moab, at si Jasubi-lehem. At ang alaalang ito'y matanda na.
At si Simi ay nagkaanak ng labing anim na lalake at anim na anak na babae; nguni't ang kaniyang mga kapatid ay di nagkaanak ng marami, o dumami man ang buong angkan nila na gaya ng mga anak ni Juda.
At ang lahat ng kanilang mga nayon ay nangasa palibot ng mga bayang yaon, hanggang sa Baal. Ang mga ito ang naging kanilang mga tahanan, at sila'y mayroong kanilang talaan ng lahi.
At sila'y nakasumpong ng mainam na pastulan at mabuti, at ang lupain ay maluwang, at tahimik, at payapa; sapagka't ang nagsisitahan nang una roon ay kay Cham.
At ang mga itong nangasusulat sa pangalan ay nagsiparoon sa mga kaarawan ni Ezechias na hari sa Juda, at iniwasak ang kanilang mga tolda, at ang mga Meunim na nangasumpungan doon, at nilipol na lubos, hanggang sa araw na ito, at sila'y nagsitahan na kahalili nila: sapagka't may pastulan doon sa kanilang mga kawan.
At ang iba sa kanila, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Simeon, na limang daang lalake, ay nagsiparoon sa bundok ng Seir, na ang kanilang mga punong kawal ay si Pelatia, at si Nearias, at si Rephaias, at si Uzziel, na mga anak ni Isi.