Job 7

人在世上岂无争战吗?他的日子不像雇工人的日子吗?
Wala bang kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa? At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa?
像奴仆切慕黑影,像雇工人盼望工价;
Na gaya ng alipin na ninanasang mainam ang lilim, at gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan:
我也照样经过困苦的日月,夜间的疲乏为我而定。
Gayon ako pinapagdaan ng mga buwan na walang kabuluhan at mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin.
我躺卧的时候便说:我何时起来,黑夜就过去呢?我尽是反来覆去,直到天亮。
Pag ako'y nahihiga, aking sinasabi, kailan ako babangon at nakadaan na ang gabi? At ako'y puspos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang liwayway ng araw.
我的肉体以虫子和尘土为衣;我的皮肤才收了口又重新破裂。
Ang aking laman ay nabibihisan ng mga uod at ng libag na alabok; ang aking balat ay namamaga at putok putok.
我的日子比梭更快,都消耗在无指望之中。
Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa panghabi ng manghahabi, at nagugugol na walang pagasa.
求你想念,我的生命不过是一口气;我的眼睛必不再见福乐。
Oh alalahanin mo na ang aking buhay ay hinga: Ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng mabuti.
观看我的人,他的眼必不再见我;你的眼目要看我,我却不在了。
Ang matang tumingin sa akin ay hindi na ako mamamasdan: ang iyong mga mata ay sasa akin, nguni't wala na ako.
云彩消散而过;照样,人下阴间也不再上来。
Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa.
他不再回自己的家;故土也不再认识他。
Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay, ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako.
我不禁止我口;我灵愁苦,要发出言语;我心苦恼,要吐露哀情。
Kaya't hindi ko pipigilin ang aking bibig; ako'y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa; ako'y dadaing sa kahirapan ng aking kaluluwa.
我对 神说:我岂是洋海,岂是大鱼,你竟防守我呢?
Ako ba'y isang dagat, o isang malaking hayop dagat, na pinababantayan mo ako sa isang bantay?
若说:我的床必安慰我,我的榻必解释我的苦情,
Pag aking sinasabi, Aaliwin ako ng aking higaan, papayapain ng aking unan ang aking karamdaman;
你就用梦惊骇我,用异象恐吓我,
Kung magkagayo'y pinupukaw mo ako ng mga panaginip, at pinangingilabot mo ako sa mga pangitain:
甚至我宁肯噎死,宁肯死亡,胜似留我这一身的骨头。
Na anopa't pinipili ng aking kaluluwa ang pagkainis, at ang kamatayan kay sa aking mga butong ito.
我厌弃性命,不愿永活。你任凭我吧,因我的日子都是虚空。
Aking kinayayamutan ang aking buhay; di ko na ibig mabuhay magpakailan man: bayaan akong magisa; sapagka't ang aking mga kaarawan ay walang kabuluhan.
人算什么,你竟看他为大,将他放在心上?
Ano ang tao, na iyong palalakhin siya, at iyong ilalagak ang iyong puso sa kaniya,
每早鉴察他,时刻试验他?
At iyong dadalawin siya tuwing umaga, at susubukin siya sa tuwi-tuwina?
你到何时才转眼不看我,才任凭我咽下唾沫呢?
Hanggang kailan di mo ako iiwan, ni babayaan man hanggang sa aking lunukin ang aking laway?
鉴察人的主啊,我若有罪,于你何妨?为何以我当你的箭靶子,使我厌弃自己的性命?
Kung ako'y nagkasala, ano ang aking magagawa sa iyo, Oh ikaw na bantay sa mga tao? Bakit mo nga inilalagay akong pinakatanda sa iyo. Na anopa't ako'y isang pasan sa aking sarili?
为何不赦免我的过犯,除掉我的罪孽?我现今要躺卧在尘土中;你要殷勤地寻找我,我却不在了。
At bakit hindi mo ipinatatawad ang aking pagsalangsang, at inaalis ang aking kasamaan? Sapagka't ngayo'y mahihiga ako sa alabok; at ako'y hahanapin mong mainam, nguni't wala na ako.