Mark 4

At siya'y muling nagpasimulang magturo sa tabi ng dagat. At nagpipisan sa kaniya ang lubhang maraming tao, ano pa't siya'y lumulan sa isang daong, at siya'y naupo sa dagat; at ang buong karamihan ay nasa lupa sa tabi ng dagat.
І знову почав Він навчати над морем. І зібралось до Нього багато народу, так що Сам Він до човна на морі ввійшов і сидів, а народ увесь був на землі покрай моря.
At sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa mga talinghaga, at sinabi sa kanila sa kaniyang pagtuturo,
І багато навчав Він їх притчами, і в науці Своїй їм казав:
Pakinggan ninyo: Narito, ang manghahasik ay yumaon upang maghasik:
Слухайте, вийшов сіяч ось, щоб сіяти.
At nangyari, sa kaniyang paghahasik, na ang ilang binhi ay nangahulog sa tabi ng daan, at nagsidating ang mga ibon at kinain ito.
І як сіяв, упало зерно одне край дороги, і налетіли пташки, і його повидзьобували.
At ang mga iba'y nangahulog sa batuhan, na doo'y walang maraming lupa; at pagdaka'y sumibol, sapagka't hindi malalim ang lupa:
Друге ж упало на ґрунт кам'янистий, де не мало багато землі, і негайно зійшло, бо земля неглибока була;
At nang sumikat ang araw, ay nangainitan; at dahil sa walang ugat, ay nangatuyo.
а як сонце зійшло то зів'яло, і, коріння не мавши, усохло.
At ang mga iba'y nangahulog sa dawagan, at nagsilaki ang mga dawag, at ininis ang mga pananim, at ito'y hindi nangamunga.
А інше впало між терен, і вигнався терен, і його поглушив, і плоду воно не дало.
At ang mga iba'y nangahulog sa mabuting lupa, at nangamunga, na nagsitaas at nagsilago; at may namunga ng tigtatatlongpu, at tiganim na pu, at tigisang daan.
Інше ж упало на добрую землю, і дало плід, що посходив і ріс; і видало втридцятеро, у шістдесят і в сто раз.
At sinabi niya, Ang may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.
І сказав: Хто має вуха, щоб слухати, нехай слухає!
At nang siya'y magisa na, ang nangasa palibot niya na kasama ang labingdalawa ay nangagtanong sa kaniya tungkol sa mga talinghaga.
І, як остався Він насамоті, Його запитали найближчі з Дванадцятьма про цю притчу.
At sinabi niya sa kanila, Sa inyo ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa kanilang nangasa labas, ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga:
І Він їм відповів: Вам дано пізнати таємниці Божого Царства, а тим, що за вами, усе відбувається в притчах,
Upang kung magsitingin sila'y mangakakita, at huwag mamalas; at kung mangakinig sila'y mangakarinig, at huwag mangakaunawa; baka sakaling sila'y mangagbalikloob, at patawarin sila.
щоб оком дивились вони і не бачили, вухом слухали і не зрозуміли, щоб коли вони не навернулися, і відпущені будуть гріхи їм!
At sinabi niya sa kanila, Hindi baga ninyo nalalaman ang talinghagang ito? at paanong malalaman ninyo ang lahat ng mga talinghaga?
І Він їх запитав: Ви не розумієте притчі цієї? І як вам зрозуміти всі притчі!
Ang manghahasik ay naghahasik ng salita.
Сіяч сіє слово.
At ang mga ito'y yaong nangasa tabi ng daan, na doon nahahasik ang salita; at nang kanilang mapakinggan, pagdaka'y pinaroroonan ni Satanas, at inaalis ang salita na inihasik sa kanila.
А котрі край дороги, де сіється слово, це ті, що як тільки почують, то зараз приходить до них сатана, і забирає слово, посіяне в них.
At gayon din naman itong mga nahasik sa batuhan, na, pagkarinig nila ng salita, pagdaka'y nagsisitanggap na may galak;
Так само й посіяні на кам'янистому ґрунті, вони, як почують те слово, то з радістю зараз приймають його,
At hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal; kaya't pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita, pagdaka'y nangatisod sila.
та коріння не мають у собі й непостійні; а згодом, як утиск або переслідування наступає за слово, вони спокушаються зараз.
At ang mga iba'y yaong nangahasik sa dawagan; ang mga ito'y yaong nangakinig ng salita,
А між терен посіяне, це ті, що слухають слово,
At ang mga pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, at ang mga pita sa ibang mga bagay na nagsisipasok, ang nagsisiinis sa salita, at ito'y nagiging walang bunga.
але клопоти цьогосвітні й омана багатства та різні бажання ввіходять, та й заглушують слово, і плоду воно не дає.
At yaon ang nangahasik sa mabuting lupa; na nangakikinig ng salita, at tinatanggap ito, at namumunga ng tigtatatlongpu, at tigaanim na pu, at tigiisang daan.
А посіяне в добрую землю це ті, що слухають слово й приймають, і родять утридцятеро, у шістдесят і в сто раз.
At sinabi niya sa kanila, Dinadala baga ang ilaw upang ilagay sa ilalim ng takalan, o sa ilalim ng higaan, at hindi baga upang ilagay sa talagang lalagayan ng ilaw?
І сказав Він до них: Чи світильника приносять на те, щоб поставити його під посудину, чи може під ліжко? А не щоб поставити на свічнику?
Sapagka't walang anomang bagay na natatago, kundi upang mahayag; ni nalilihim, kundi yao'y upang mapasa liwanag.
Бо немає нічого захованого, що не виявиться, і немає таємного, що не вийде наяв.
Kung ang sinoman ay may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.
Хто має вуха, щоб слухати, нехай слухає!
At sinabi niya sa kanila, Ingatan ninyo kung ano ang inyong pinakikinggan: sa panukat na inyong isinusukat ay kayo'y susukatin; at higit pa ang sa inyo'y ibibigay.
І сказав Він до них: Уважайте, що чуєте: Якою мірою будете міряти, такою відміряють вам, і додадуть вам.
Sapagka't ang mayroon, ay bibigyan pa; at ang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin pa sa kaniya.
Бо хто має, то дасться йому, хто ж не має, забереться від нього й те, що він має.
At sinabi niya, Ganyan ang kaharian ng Dios, na gaya ng isang taong naghahasik ng binhi sa lupa;
І сказав Він: Так і Боже Царство, як той чоловік, що кидає в землю насіння,
At natutulog at nagbabangon sa gabi at araw, at sumisibol at lumalaki ang binhi na di niya nalalaman kung paano.
і чи спить, чи встає він удень та вночі, а насіння пускає паростки та росте, хоч не знає він, як.
Sa kaniyang sarili ay nagbubunga ang lupa; una-una'y usbong, saka uhay, pagkatapos ay butil na humihitik sa uhay.
Бо родить земля сама з себе: перше вруна, потім колос, а тоді повне збіжжя на колосі.
Datapuwa't pagka hinog na ang bunga, ay ginagamit agad ang panggapas, sapagka't dumating na ang pagaani.
А коли плід доспіє, зараз він посилає серпа, бо настали жнива.
At kaniyang sinabi, Sa ano natin itutulad ang kaharian ng Dios? o sa anong talinghaga isasaysay natin ito?
І сказав Він: До чого прирівняємо Царство Боже? Або в якій притчі представим його?
Ito'y tulad sa butil ng binhi ng mostasa, na pagkahasik sa lupa, bagama't siyang lalong pinakamaliit sa lahat ng mga binhi na nangasa lupa,
Воно як те зерно гірчичне, яке, коли сіється в землю, найдрібніше за всі земні насіння.
Gayon ma'y pagkatanim, ay tumataas, at lumalaki ng higit kay sa lahat ng mga gulay, at nagsasanga ng malalabay; ano pa't ang mga ibon sa langit ay mangakasisilong sa kaniyang lilim.
Як посіяне ж буде, виростає, і стає над усі зілля більше, і віття пускає велике таке, що кублитись може в тіні його птаство небесне.
At sa pamamagitan ng gayong maraming talinghaga ay sinasaysay niya sa kanila ang salita, ayon sa makakaya ng kanilang pakinig;
І такими притчами багатьома Він їм слово звіщав, поскільки вони могли слухати.
At hindi sila kinakausap kundi sa talinghaga: datapuwa't sa kaniyang sariling mga alagad ay bukod na ipinaliliwanag ang lahat ng mga bagay.
І без притчі нічого Він їм не казав, а учням Своїм самотою вияснював усе.
At nang araw ding yaon, nang gabi na, ay sinabi niya sa kanila, Tumawid tayo sa kabilang ibayo.
І сказав Він до них того дня, коли вечір настав: Переплиньмо на той бік.
At pagkaiwan sa karamihan, ay kanilang dinala siya sa daong, ayon sa kaniyang kalagayan. At mayroon siyang kasamang ibang mga daong.
І, лишивши народ, узяли із собою Його, як у човні Він був; і інші човни були з Ним.
At nagbangon ang isang malakas na bagyo, at sinasalpukan ang daong ng mga alon, na ano pa't ang daong ay halos natitigib.
І знялася ось буря велика, а хвилі вливалися в човен, аж човен водою вже був переповнився!
At siya'y natutulog sa hulihan sa ibabaw ng kutson; at siya'y ginising nila, at sinabi sa kaniya, Guro, wala bagang anoman sa iyo na mapahamak tayo?
А Він спав на кормі на подушці... І вони розбудили Його та й сказали Йому: Учителю, чи Тобі байдуже, що ми гинемо?...
At gumising siya, at sinaway ang hangin, at sinabi sa dagat, Pumayapa, tumahimik ka. At humimpil ang hangin, at humusay na totoo ang panahon,
Тоді Він устав, і вітрові заборонив, і до моря сказав: Мовчи, перестань! І стих вітер, і тиша велика настала...
At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo nangatakot? wala pa baga kayong pananampalataya?
І сказав Він до них: Чого ви такі полохливі? Чому віри не маєте?
At sila'y nangatakot na lubha, at sila-sila'y nangagsasabihan, Sino nga ito, na pati ng hangin at ng dagat ay tumatalima sa kaniya?
А вони налякалися страхом великим, і говорили один до одного: Хто ж це такий, що вітер і море слухняні Йому?