Job 8

ויען בלדד השוחי ויאמר׃
Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,
עד אן תמלל אלה ורוח כביר אמרי פיך׃
Hanggang kailan magsasalita ka ng mga bagay na ito? At hanggang kailan magiging gaya ng makapangyarihang hangin ang mga salita ng iyong bibig?
האל יעות משפט ואם שדי יעות צדק׃
Nagliliko ba ng kahatulan ang Dios? O nagliliko ba ang Makapangyarihan sa lahat ng kaganapan?
אם בניך חטאו לו וישלחם ביד פשעם׃
Kung ang iyong mga anak ay nangagkasala laban sa kaniya, at kaniyang ibinigay sila sa kamay ng kanilang pagkasalangsang:
אם אתה תשחר אל אל ואל שדי תתחנן׃
Kung hanapin mong mainam ang Dios, at iyong pamanhikan ang Makapangyarihan sa lahat;
אם זך וישר אתה כי עתה יעיר עליך ושלם נות צדקך׃
Kung ikaw ay malinis at matuwid; walang pagsalang ngayo'y gigising siya dahil sa iyo. At pasasaganain ang tahanan ng iyong katuwiran.
והיה ראשיתך מצער ואחריתך ישגה מאד׃
At bagaman ang iyong pasimula ay maliit, gayon ma'y ang iyong huling wakas ay lalaking mainam.
כי שאל נא לדר רישון וכונן לחקר אבותם׃
Sapagka't ikaw ay magsisiyasat, isinasamo ko sa iyo, sa unang panahon, at pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang:
כי תמול אנחנו ולא נדע כי צל ימינו עלי ארץ׃
(Sapagka't tayo'y kahapon lamang, at walang nalalaman, sapagka't ang ating mga kaarawan sa lupa ay anino:)
הלא הם יורוך יאמרו לך ומלבם יוצאו מלים׃
Hindi ka ba nila tuturuan, at sasaysayin sa iyo, at mangagsasalita ng mga salita mula sa kanilang puso?
היגאה גמא בלא בצה ישגה אחו בלי מים׃
Makatataas ba ang yantok ng walang putik? Tutubo ba ang tambo ng walang tubig?
עדנו באבו לא יקטף ולפני כל חציר ייבש׃
Samantalang nasa kasariwaan, at hindi pinuputol, natutuyong una kay sa alin mang damo.
כן ארחות כל שכחי אל ותקות חנף תאבד׃
Gayon ang mga landas ng lahat na nagsisilimot sa Dios; at ang pagasa ng di banal ay mawawala:
אשר יקוט כסלו ובית עכביש מבטחו׃
Na ang kaniyang pagtitiwala ay mapaparam, at ang kaniyang tiwala ay isang bahay gagamba.
ישען על ביתו ולא יעמד יחזיק בו ולא יקום׃
Siya'y sasandal sa kaniyang bahay, nguni't hindi tatayo; siya'y pipigil na mahigpit dito, nguni't hindi makapagmamatigas.
רטב הוא לפני שמש ועל גנתו ינקתו תצא׃
Siya'y sariwa sa harap ng araw, at ang kaniyang mga suwi ay sumisibol sa kaniyang halamanan.
על גל שרשיו יסבכו בית אבנים יחזה׃
Ang kaniyang mga ugat ay nagkakapitan sa palibot ng bunton, kaniyang minamasdan ang dako ng mga bato.
אם יבלענו ממקומו וכחש בו לא ראיתיך׃
Kung siya'y magiba sa kaniyang dako, kung magkagayo'y itatakuwil niya siya, na sinasabi: Hindi kita nakita.
הן הוא משוש דרכו ומעפר אחר יצמחו׃
Narito, ito ang kagalakan ng kaniyang lakad, at mula sa lupa ay sisibol ang mga iba.
הן אל לא ימאס תם ולא יחזיק ביד מרעים׃
Narito, hindi itatakuwil ng Dios ang sakdal na tao, ni aalalayan man niya ang mga manggagawa ng kasamaan.
עד ימלה שחוק פיך ושפתיך תרועה׃
Kaniya namang pupunuin ang iyong bibig ng pagtawa, at ang iyong mga labi ng paghiyaw.
שנאיך ילבשו בשת ואהל רשעים איננו׃
Silang nangapopoot sa iyo ay mabibihisan ng pagkahiya; at ang tolda ng masama ay mawawala.