Job 18

Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,
Y RESPONDIÓ Bildad Suhita, y dijo:
Hanggang kailan manghuhuli kayo ng mga salita? Inyong bulayin, at pagkatapos ay magsasalita kami.
¿Cuándo pondréis fin á las palabras? Entended, y después hablemos.
Bakit kami nangabibilang na parang mga hayop, at naging marumi sa iyong paningin?
¿Por qué somos tenidos por bestias, Y en vuestros ojos somos viles?
Ikaw na nagpapakabagbag sa iyong galit, pababayaan ba ang lupa dahil sa iyo? O babaguhin ba ang bato mula sa kinaroroonan?
Oh tú, que despedazas tu alma con tu furor, ¿Será dejada la tierra por tu causa, Y serán traspasadas de su lugar las peñas?
Oo, ang ilaw ng masama ay papatayin, at ang liyab ng kaniyang apoy ay hindi liliwanag.
Ciertamente la luz de los impíos será apagada, Y no resplandecerá la centella de su fuego.
Ang ilaw ay magdidilim sa kaniyang tolda, at ang kaniyang ilawan sa itaas niya ay papatayin.
La luz se oscurecerá en su tienda, Y apagaráse sobre él su lámpara.
Ang mga hakbang ng kaniyang kalakasan ay mapipigil, at ang kaniyang sariling payo ang magbabagsak sa kaniya.
Los pasos de su pujanza serán acortados, Y precipitarálo su mismo consejo.
Sapagka't siya'y inihagis sa lambat ng kaniyang sariling mga paa, at siya'y lumalakad sa mga silo.
Porque red será echada en sus pies, Y sobre red andará.
Isang panghuli ang huhuli sa kaniya sa mga sakong. At isang silo ay huhuli sa kaniya.
Lazo prenderá su calcañar: Afirmaráse la trampa contra él.
Ang panali ay nakakubli ukol sa kaniya sa lupa, at isang patibong na ukol sa kaniya ay nasa daan.
Su cuerda está escondida en la tierra, Y su torzuelo sobre la senda.
Mga kakilabutan ay tatakot sa kaniya sa lahat ng dako, at hahabol sa kaniya sa kaniyang mga sakong.
De todas partes lo asombrarán temores, Y haránle huir desconcertado.
Ang kaniyang kalakasan ay manglalata sa gutom, at ang kapahamakan ay mahahanda sa kaniyang tagiliran.
Su fuerza será hambrienta, Y á su lado estará aparejado quebrantamiento.
Susupukin ang mga sangkap ng kaniyang katawan, Oo, lalamunin ng panganay ng kamatayan ang kaniyang mga sangkap.
El primogénito de la muerte comerá los ramos de su piel, Y devorará sus miembros.
Siya'y ilalabas sa kaniyang tolda na kaniyang tinitiwalaan; at siya'y dadalhin sa hari ng mga kakilabutan.
Su confianza será arrancada de su tienda, Y harále esto llevar al rey de los espantos.
Tatahan sa kaniyang tolda yaong di niya kaanoano: azufre ay makakalat sa kaniyang tahanan.
En su tienda morará como si no fuese suya: Piedra azufre será esparcida sobre su morada.
Ang kaniyang mga ugat ay mangatutuyo sa ilalim, at sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang sanga.
Abajo se secarán sus raíces, Y arriba serán cortadas sus ramas.
Ang alaala sa kaniya ay mawawala sa lupa, at siya'y mawawalan ng pangalan sa lansangan.
Su memoria perecerá de la tierra, Y no tendrá nombre por las calles.
Siya'y ihahatid sa kadiliman mula sa liwanag, at itatapon sa labas ng sanglibutan.
De la luz será lanzado á las tinieblas, Y echado fuera del mundo.
Siya'y hindi magkakaroon kahit anak, ni anak man ng anak sa gitna ng kaniyang bayan, ni anomang nalabi sa kaniyang pinakipamayanan.
No tendrá hijo ni nieto en su pueblo, Ni quien le suceda en sus moradas.
Silang nagsisidating pagkatapos ay mangatitigilan sa kaniyang kaarawan, gaya ng nangauna na nangatakot.
Sobre su día se espantarán los por venir, Como ocupó el pavor á los que fueron antes.
Tunay na ganyan ang mga tahanan ng mga liko, at ito ang kalalagyan niya na hindi nakakakilala sa Dios.
Ciertamente tales son las moradas del impío, Y éste será el lugar del que no conoció á Dios.