Job 11

Nang magkagayo'y sumagot si Sophar na Naamathita, at nagsabi,
Y RESPONDIÓ Sophar Naamathita, y dijo:
Hindi ba sasagutin ang karamihan ng mga salita? At ang lalaking masalita ay aariing ganap?
¿Las muchas palabras no han de tener respuesta? ¿Y el hombre parlero será justificado?
Pamamayapain ba ang mga tao ng iyong mga paghahambog. At kung ikaw ay nanunuya, wala bang hihiya sa iyo?
¿Harán tus falacias callar á los hombres? ¿Y harás escarnio, y no habrá quien te avergüence?
Sapagka't iyong sinasabi, Ang aking aral ay dalisay, at ako'y malinis sa iyong mga mata.
Tú dices: Mi conversar es puro, Y yo soy limpio delante de tus ojos.
Nguni't Oh ang Dios nawa'y magsalita, at bukhin ang kaniyang mga labi laban sa iyo;
Mas ¡oh quién diera que Dios hablara, Y abriera sus labios contigo,
At ipakilala nawa sa iyo ang mga lihim ng karunungan, pagka't siya ay masagana sa pagkaunawa. Talastasin mo nga na nilalapatan ka ng Dios ng kulang kay sa nauukol sa iyong kasamaan.
Y que te declarara los arcanos de la sabiduría, Que son de doble valor que la hacienda! Conocerías entonces que Dios te ha castigado menos que tu iniquidad merece.
Masusumpungan mo ba ang Dios sa pagsaliksik? Masusumpungan mo ba sa kasakdalan ang Makapangyarihan sa lahat?
¿Alcanzarás tú el rastro de Dios? ¿Llegarás tú á la perfección del Todopoderoso?
Mataas na gaya ng langit; anong iyong magagawa? Malalim kay sa Sheol: anong iyong malalaman?
Es más alto que los cielos: ¿qué harás? Es más profundo que el infierno: ¿cómo lo conocerás?
Ang sukat niyao'y mahaba kay sa lupa. At maluwang kay sa dagat.
Su dimensión es más larga que la tierra, Y más ancha que la mar.
Kung siya'y dumaan at magsara, at tumawag sa kahatulan, sino ngang makapipigil sa kaniya?
Si cortare, ó encerrare, Ó juntare, ¿quién podrá contrarrestarle?
Sapagka't nakikilala niya ang mga walang kabuluhang tao: Nakikita rin naman niya ang kasamaan, bagaman hindi niya pinapansin.
Porque él conoce á los hombres vanos: Ve asimismo la iniquidad, ¿y no hará caso?
Nguni't ang walang kabuluhang tao ay walang unawa, Oo, ang tao ay ipinanganak na gaya ng anak ng mabangis na asno.
El hombre vano se hará entendido, Aunque nazca como el pollino del asno montés.
Kung iyong ihahanda ang iyong puso, at iuunat mo ang iyong kamay sa kaniya;
Si tú apercibieres tu corazón, Y extendieres á él tus manos;
Kung ang kasamaan ay sumaiyong kamay, ilayo mo, at huwag manahan ang kalikuan sa iyong mga tolda;
Si alguna iniquidad hubiere en tu mano, y la echares de ti, Y no consintieres que more maldad en tus habitaciones;
Walang pagsala ngang iyong itataas ang iyong mukha na walang kapintasan; Oo, ikaw ay matatatag, at hindi matatakot:
Entonces levantarás tu rostro limpio de mancha, Y serás fuerte y no temerás:
Sapagka't iyong malilimutan ang iyong karalitaan; iyong aalalahaning parang tubig na umaagos:
Y olvidarás tu trabajo, Ó te acordarás de él como de aguas que pasaron:
At ang iyong buhay ay magiging lalong maliwanag kay sa katanghaliang tapat; bagaman magkaroon ng kadiliman, ay magiging gaya ng umaga.
Y en mitad de la siesta se levantará bonanza; Resplandecerás, y serás como la mañana:
At ikaw ay matitiwasay sapagka't may pagasa; Oo, ikaw ay magsiyasat sa palibot mo, at magpapahinga kang tiwasay.
Y confiarás, que habrá esperanza; Y cavarás, y dormirás seguro:
Ikaw nama'y hihiga at walang tatakot sa iyo; Oo, maraming liligaw sa iyo.
Y te acostarás, y no habrá quien te espante: Y muchos te rogarán.
Nguni't ang mga mata ng masama ay mangangalumata, at mawawalan sila ng daang tatakasan, at ang kanilang pagasa ay pagkalagot ng hininga.
Mas los ojos de los malos se consumirán, Y no tendrán refugio; Y su esperanza será agonía del alma.