II Corinthians 3

Pinasisimulan baga naming muli na ipagkapuri ang aming sarili? o kami baga ay nangangailangan gaya ng iba, ng mga sulat na papuri sa inyo, o mula sa inyo?
Elkezdjük-é ismét ajánlgatni magunkat? Vagy talán szükségünk van, mint némelyeknek, ajánló levelekre hozzátok, avagy tőletek?
Kayo ay ang aming sulat, na nasusulat sa aming mga puso, nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao;
A mi levelünk ti vagytok, beírva a mi szívünkbe, a melyet ismer és olvas minden ember;
Yamang nahahayag na kayo'y sulat ni Cristo, na pinangasiwaan namin, hindi isinulat ng tinta, kundi ng Espiritu, ng Dios na buhay, hindi sa mga tapyas ng bato, kundi sa mga tapyas ng pusong laman.
A kik felől nyilvánvaló, hogy Krisztusnak a mi szolgálatunk által szerzett levele vagytok, nem tentával, hanem az élő Isten Lelkével írva; nem kőtáblákra, hanem a szívnek hústábláira.
At ang gayong pagkakatiwala sa Dios ay taglay namin sa pamamagitan ni Cristo:
Ilyen bizodalmunk pedig Isten iránt a Krisztus által van.
Hindi sa kami ay sapat na sa aming sarili, upang isiping ang anoman ay mula sa ganang aming sarili; kundi ang aming kasapatan ay mula sa Dios;
Nem mintha magunktól volnánk alkalmatosak valamit gondolni, úgy mint magunkból; ellenkezőleg a mi alkalmatos voltunk az Istentől van:
Na sa amin naman ay nagpapaging sapat na mga ministro ng bagong tipan; hindi ng titik, kundi ng espiritu: sapagka't ang titik ay pumapatay, datapuwa't ang espiritu ay nagbibigay ng buhay.
A ki alkalmatosokká tett minket arra, hogy új szövetség szolgái legyünk, nem betűé, hanem léleké; mert a betű megöl, a lélek pedig megelevenít.
Nguni't kung ang pangangasiwa ng kamatayan, na nasusulat, at nauukit sa mga bato, ay nangyaring may kaluwalhatian, ano pa't ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig sa mukha ni Moises, dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha; na ang kaluwalhatiang ito'y lumilipas:
Ha pedig a halálnak betűkkel kövekbe vésett szolgálata dicsőséges vala, úgyhogy Izráel fiai nem is nézhettek Mózes orczájára arczának elmúló dicsősége miatt:
Paanong hindi lalong magkakaroon ng kaluwalhatian ang pangangasiwa ng espiritu?
Hogyne volna még inkább dicsőséges a léleknek szolgálata?
Sapagka't kung ang pangangasiwa ng kahatulan ay may kaluwalhatian, ay bagkus pa ngang higit na sagana sa kaluwalhatian ang pangasiwang ukol sa katuwiran.
Mert ha a kárhoztatás szolgálata dicsőséges, mennyivel inkább dicsőséges az igazság szolgálata?
Sapagka't katotohanang ang pinaluwalhati ay hindi pinaluwalhati sa bagay na ito, ng dahil sa kaluwalhatiang sumasagana.
Sőt a dicsőített nem is dicsőséges ebben a részben az őt meghaladó dicsőség miatt.
Sapagka't kung ang lumilipas ay may kaluwalhatian, ay lalo pang nananatili ay nasa kaluwalhatian.
Mert ha dicsőséges az elmulandó, sokkal inkább dicsőséges, a mi megmarad.
Yaman ngang mayroong gayong pagasa ay ginagamit namin ang buong katapangan ng pananalita,
Azért ilyen reménységben nagy nyiltsággal szólunk;
At hindi gaya ni Moises, na nagtalukbong ng kaniyang mukha upang ang mga anak ni Israel ay huwag magsititig sa katapusan niyaong lumilipas:
És nem, miként Mózes, *a ki* leplet borított az orczájára, hogy ne lássák Izráel fiai az elmulandónak végét.
Datapuwa't ang kanilang mga pagiisip ay nagsitigas: sapagka't hanggang sa araw na ito, pagka binabasa ang matandang tipan, ang talukbong ding iyon ay nananatili na hindi itinataas, na ito'y naalis sa pamamagitan ni Cristo.
De megtompultak az ő elméik. Mert ugyanaz a lepel mind e mai napig ott van az ó szövetség olvasásánál felfedetlenül, mivelhogy a Krisztusban tűnik el;
Datapuwa't hanggang sa araw na ito, kailan ma't binabasa ang mga aklat ni Moises, ay may isang talukbong na nakatakip sa kanilang puso.
Sőt mind máig, a mikor csak olvassák Mózest, lepel borul az ő szívökre.
Nguni't kailan ma't magbalik sa Panginoon, ay maaalis ang talukbong.
Mikor pedig megtér az Úrhoz, lehull a lepel.
Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan.
Az Úr pedig a Lélek; és a hol az Úrnak Lelke, ott a szabadság.
Datapuwa't tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu.
Mi pedig az Úrnak dicsőségét mindnyájan fedetlen arczczal szemlélvén, ugyanazon ábrázatra elváltozunk, dicsőségről dicsőségre, úgy mint az Úrnak Lelkétől.