I Samuel 20

At si David ay tumakas mula sa Najoth, na nasa Rama, at siya'y dumating at nagsabi sa harap ni Jonathan, Anong aking ginawa? anong aking kasamaan? at anong aking kasalanan sa harap ng iyong ama, upang kaniyang usigin ang aking buhay?
بعد داوود از نایوت رامه فرار کرد و پیش یوناتان آمد و گفت: «من چه گناهی کرده‌ام؟ و چه خلافی نسبت به پدرت کرده‌ام که قصد کشتن مرا دارد‌؟»
At sinabi niya sa kaniya, Malayo nawa; hindi ka mamamatay: narito, ang aking ama ay hindi gumagawa ng anomang bagay na malaki o maliit kundi niya ipaalam sa akin: at bakit ililihim sa akin ng aking ama ang bagay na ito? hindi gayon.
یوناتان گفت: «‌خدا نکند! کسی تو را نخواهد کشت. پدرم هر کاری که بخواهد انجام دهد چه کوچک و چه بزرگ اول با من در میان می‌گذارد. چرا پدرم این موضوع را از من پنهان کند؟ این امر حقیقت ندارد.»
At gayon ma'y si David ay sumumpa, at nagsabi, Talastas na maigi ng iyong ama, na ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin; at kaniyang sinasabi, Huwag maalaman ni Jonathan ito, baka siya'y magdalamhati; nguni't buhay nga ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, na iisang hakbang ang pagitan ko sa kamatayan.
داوود جواب داد: «پدرت خوب می‌داند که من و تو دوست هستیم، پس نخواسته در این مورد چیزی به تو بگوید که مبادا غمگین شوی. به نام خداوند و به جان تو قسم که من با مرگ فقط یک قدم فاصله دارم.»
Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan kay David, Anomang adhikain ng iyong kaluluwa ay aking gagawin dahil sa iyo.
یوناتان به داوود گفت: «هرچه بخواهی برایت انجام خواهم داد.»
At sinabi ni David kay Jonathan, Narito, bukas ay bagong buwan, at ako'y di marapat na di sumalo sa hari; nguni't bayaan mo akong yumaon upang ako'y magkubli sa parang hanggang sa ikatlong araw sa paglubog ng araw.
داوود جواب داد: «فردا اول ماه است و من باید با پدرت سر سفره بنشینم، امّا به من اجازه بده تا غروب روز سوم در صحرا پنهان شوم.
Kung ako'y punahin ng iyong ama, iyo ngang sabihing, Hiniling na mainam sa akin ni David na siya'y patakbuhin sa Bethlehem na kaniyang bayan: sapagka't siyang paghahain na taonan sa lahat ng angkan.
اگر پدرت دلیل نبودن مرا بر سر سفره بپرسد، بگو که من از تو خواهش کردم تا به من اجازه بدهی که به شهر خود به بیت‌لحم بروم و در مراسم قربانی سالانه با خانوادهٔ خود باشم.
Kung kaniyang sabihing ganito, Mabuti; ang iyong lingkod ay matitiwasay; nguni't kung siya'y magalit, talastasin mo nga na ang kasamaan ay ipinasiya niya.
اگر بگوید: 'خوب.' می‌دانم که خطری برایم نیست. امّا اگر خشمگین شد، آنگاه مرگ من به دست او حتمی است.
Kaya pagmagandahang loob mo ang iyong lingkod; sapagka't iyong dinala ang iyong lingkod sa isang tipan ng Panginoon sa iyo; nguni't kung magtaglay ako ng kasamaan, patayin mo ako; sapagka't bakit mo pa dadalhin ako sa iyong ama?
پس از تو خواهش می‌کنم که از روی لطف به من کمک کنی، زیرا ما قول دوستی به هم داده‌‌‌ایم. اگر خطایی از من سر زده باشد، خودت مرا بکش، امّا مرا پیش پدرت نبر.»
At sinabi ni Jonathan, Malayo nawa sa iyo: sapagka't kung matalastas ko sa anomang paraan na ang kasamaan ay ipinasiya ng ama kong sumapit sa iyo, hindi ko ba sasaysayin sa iyo?
یوناتان گفت: «هرگز چنین فکری نکن! اگر می‌دانستم که پدرم قصد بدی نسبت به تو دارد، آیا به تو نمی‌گفتم؟»
Nang magkagayo'y sinabi ni David kay Jonathan, Sino ang magsasaysay sa akin, kung sakaling ang iyong ama ay sumagot sa iyo na may kagalitan?
داوود گفت: «اگر پدرت با خشم به تو جواب دهد چه کسی مرا آگاه خواهد ساخت؟»
At sinabi ni Jonathan kay David, Halika at tayo'y lumabas sa parang. At sila'y kapuwa lumabas sa parang.
یوناتان به داوود گفت: «بیا با هم به مزرعه برویم.» و هر دو به راه افتادند.
At sinabi ni Jonathan kay David, Ang Panginoon, ang Dios ng Israel, maging saksi; pagka aking natarok ang aking ama sa oras na ito sa kinabukasan o sa ikatlong araw, narito, kung maging mabuti kay David, hindi ko nga ba pasasapitin sa iyo, at ipababatid sa iyo?
یوناتان به داوود گفت: «در حضور خداوند خدای اسرائیل به تو قول می‌دهم که فردا یا پس فردا، با پدرم دربارهٔ تو حرف می‌زنم و فوراً به تو اطّلاع می‌دهم که او دربارهٔ تو چه فکر می‌کند.
Kung mabutihin ng aking ama na gawan ka ng kasamaan, ay hatulan ng Panginoon si Jonathan, malibang ipabatid ko sa iyo at payaunin ka, upang ikaw ay yumaong payapa: at ang Panginoon ay sumaiyo nawa na gaya ng siya'y nasa aking ama.
اگر دیدم که خشمگین است و قصد کشتن تو را دارد، به جان خودم قسم می‌خورم که به تو خبر می‌دهم تا بتوانی به سلامتی فرار کنی و خداوند یار و نگهبان تو باشد همان‌طور که با پدرم بوده است!
At huwag mangyari kailanman hanggang ako'y nabubuhay, na di mo ako pagpakitaan ng kagandahang loob ng Panginoon upang ako'y huwag mamatay:
اگر من زنده ماندم، لطفاً سوگند خود را با من به یاد داشته باش.
Subali't huwag mo ring ihihiwalay ang iyong kagandahang loob sa aking sangbahayan magpakailan man: huwag kahit man lipulin ng Panginoon ang lahat ng mga kaaway ni David sa balat ng lupa.
اگر مُردم، همان لطف و محبّت را نسبت به خانوادهٔ من داشته باش تا روزی که خداوند همهٔ دشمنانت را از روی زمین نابود کند.
Sa gayo'y nakipagtipan si Jonathan sa sangbahayan ni David, na sinabi, At hihingin ng Panginoon sa kamay ng mga kaaway ni David.
پس یوناتان با خاندان داوود پیمان بست و گفت: 'خداوند انتقام تو را از دشمنانت بگیرد.'»
At pinasumpa uli ni Jonathan si David dahil sa pagibig niya sa kaniya: sapagka't kaniyang minamahal siya na gaya ng pagmamahal niya sa kaniyang sariling kaluluwa.
و یوناتان دوباره داوود را قسم داد، این بار به‌خاطر محبّتی بود که با او داشت، زیرا داوود را مانند جان خود دوست می‌داشت.
Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan sa kaniya, Bukas ay bagong buwan, at ikaw ay pupunahin, sapagka't sa iyong upuan ay walang nakaupo.
یوناتان گفت: «فردا جشن اول ماه است، چون تو بر سر سفره نباشی جایت خالی است.
At pagtatagal mo ng tatlong araw ay bababa kang madali at paroroon ka sa dakong iyong pinagtaguan ng araw na pag-usapan ito, at ikaw ay maghihintay sa tabi ng bato ng Ezel.
پس فردا همگی از غیبت تو آگاه می‌شوند. پس مانند دفعهٔ پیش در مخفیگاه خود، در کنار ستون سنگی بمان.
At ako'y papana ng tatlong palaso sa dako niyaon na parang ako'y may pinatatamaan.
من می‌آیم و سه تیر به آن طرف، طوری پرتاب می‌کنم که گویا هدفی را نشانه گرفته‌‌ام.
At, narito, aking susuguin ang bata: Ikaw ay yumaon na hanapin mo ang mga palaso. Kung aking sabihin sa bata: Narito, ang mga palaso ay nangarito sa dako mo rito: pagkunin mo, at parito ka; sapagka't may kapayapaan sa iyo at walang anoman, buhay ang Panginoon.
آنگاه یک نفر را می‌فرستم که تیرها را پیدا کند. اگر به او بگویم: 'تیرها در این طرف تو هستند، برو آنها را بیاور.' پس بدان که خیر و خیریّت است و مطمئن باش که هیچ خطری متوجّه تو نیست.
Nguni't kung aking sabihing ganito sa bata: Narito, ang mga palaso ay nangasa dako mo pa roon: ituloy mo ang iyong lakad, sapagka't pinayaon ka ng Panginoon.
و اگر به او بگویم: 'جلوتر برو و تیرها در آن طرف توست.' به این معنی است که تو باید فوراً از اینجا بروی، زیرا خدا تو را نجات داده است.
At tungkol sa usap na ating pinagsalitaan, narito, ang Panginoon ay nasa gitna natin magpakailan man.
از خدا می‌خواهم که به ما کمک کند تا به عهد و پیمان خود وفادار باشیم، چون او شاهد پیمان ما بوده است.»
Sa gayo'y nagkubli si David sa parang: at nang dumating ang bagong buwan, ang hari ay umupong kumain.
پس داوود خود را در مزرعه پنهان کرد. وقتی‌که جشن اول ماه شروع شد، پادشاه بر سفرهٔ غذا حاضر شد.
At umupo ang hari sa kaniyang upuan na gaya ng kinaugalian niya sa makatuwid baga'y sa upuang nasa siping ng dinding; at tumayo si Jonathan, at umupo si Abner sa siping ni Saul; nguni't sa upuan ni David ay walang nakaupo.
او طبق عادت در جای مخصوص خود کنار دیوار نشست. یوناتان مقابل او قرار گرفت و ابنیر پهلوی شائول نشست. امّا جای داوود خالی بود.
Gayon ma'y hindi nagsalita si Saul ng anoman sa araw na yaon: sapagka't kaniyang inisip: May bagay na nangyari sa kaniya, siya'y hindi malinis; tunay na siya'y hindi malinis.
شائول در آن روز چیزی نگفت و گمان کرد که حادثه‌‌ای برای داوود رخ داده است. و ممکن است برای شرکت در این مراسم از نظر شرعی پاک نبوده است. بلی، حتماً همین طور است.
At nangyari nang kinabukasan, pagkaraan ng bagong buwan na ikalawang araw, na sa upuan ni David ay walang nakaupo, sinabi ni Saul kay Jonathan na kaniyang anak, Bakit hindi naparirito ang anak ni Isai upang kumain, ni kahapon, ni ngayon man.
امّا فردای آن، یعنی در روز دوم ماه، باز هم جای داوود خالی بود. شائول از پسر خود یوناتان پرسید: «چرا پسر یَسی، سر سفره نیامده است؟ او نه دیروز اینجا بود و نه امروز.»
At sumagot si Jonathan kay Saul, Namanhik si David na bayaan ko siya na pumaroon sa Bethlehem:
یوناتان جواب داد: «داوود از من خواهش بسیار کرد که به او اجازه بدهم به بیت‌لحم برود.
At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako; sapagka't ang aming angkan ay may paghahain sa bayan; at iniutos sa akin ng aking kapatid na dumoon; at ngayon, kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ay bayaan mo akong yumaon, isinasamo ko sa iyo, at aking tingnan ang aking mga kapatid. Kaya hindi siya naparito sa dulang ng hari.
او از من خواهش کرد و گفت: 'اجازه بده که بروم، زیرا خانوادهٔ من می‌خواهد مراسم قربانی را برگزار کند و برادرم به من امر کرده است که در آنجا حاضر باشم. بنابراین اگر به من لطف داری بگذار که بروم و برادرانم را ببینم.' به همین دلیل او نتوانست سر سفره به حضور پادشاه حاضر شود.»
Nang magkagayo'y nagalab ang galit ni Saul laban kay Jonathan, at sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay anak ng masama at mapanghimagsik na babae, hindi ko ba nalalaman na iyong pinili ang anak ni Isai sa ikahihiya mo, at sa ikahihiya ng kahubaran ng iyong ina?
آنگاه شائول بر یوناتان بسیار خشمگین شد و به او گفت: «ای حرامزاده، من می‌دانم که تو از داوود پشتیبانی می‌کنی، تو با این کار هم آبروی خودت را می‌بری و هم آبروی مادرت را.
Sapagka't habang nabubuhay ang anak ni Isai sa ibabaw ng lupa, ikaw ay hindi mapapanatag ni ang iyong kaharian man. Kaya ngayo'y iyong ipasundo at dalhin siya sa akin, sapagka't siya'y walang pagsalang mamamatay.
تا زمانی که پسر یَسی بروی زمین زنده باشد تو به پادشاهی نمی‌رسی. پس برو و او را به حضور من بیاور، او باید کشته شود.»
At sumagot si Jonathan kay Saul na kaniyang ama; at nagsabi sa kaniya, Bakit siya papatayin? anong kaniyang ginawa?
یوناتان از پدر خود پرسید: «چرا او باید کشته شود؟ گناه او چیست؟»
At inihandulong ni Saul ang kaniyang sibat sa kaniya upang saktan siya; na doon nakilala ni Jonathan na pasiya ng kaniyang ama na patayin si David.
آنگاه شائول نیزه‌ای را که در دست داشت به‌ قصد کشتن او به طرف او انداخت. پس یوناتان دانست که پدرش دست از کشتن داوود بر نمی‌دارد.
Sa gayo'y tumindig si Jonathan sa dulang na may mabangis na galit, at hindi kumain sa ikalawang araw ng buwan: sapagka't siya'y nagdalamhati dahil kay David, sapagka't hiniya siya ng kaniyang ama.
پس یوناتان با خشم از سر سفره برخاست و در روز دوم ماه هم چیزی نخورد؛ زیرا به‌خاطر رفتار زشت پدرش نسبت به داوود بسیار ناراحت شده بود.
At nangyari sa kinaumagahan, na si David ay nilabas ni Jonathan sa parang sa takdang panahon, at isang munting bata ang kasama niya.
صبح روز بعد یوناتان با یک پسر جوان به وعده‌گاه خود، در مزرعه پیش داوود رفت.
At sinabi niya sa kaniyang bataan, Takbo, hanapin mo ngayon ang mga palaso na aking ipinana. At pagtakbo ng bataan, kaniyang ipinana ang palaso sa dako roon niya.
به جوان گفت: «برو تیری را که می‌زنم پیدا کن.» آن جوان درحالی‌که می‌دوید، یوناتان تیر را طوری می‌انداخت که از او دورتر می‌افتاد.
At nang dumating ang bataan sa dako ng palaso na ipinana ni Jonathan, sinigawan ni Jonathan ang bataan, at sinabi, Hindi ba ang palaso ay nasa dako mo pa roon?
وقتی آن جوان به جایی رسید که تیر یوناتان خورده بود،
At sinigawan ni Jonathan ang bataan, Tulin, magmadali ka, huwag kang tumigil. At pinulot ng bataan ni Jonathan ang mga palaso, at naparoon sa kaniyang panginoon.
یوناتان از پشت سر او صدا کرد: «تیرها به آن طرف افتاد شتاب کن. صبر نکن.» جوان تیرها را جمع کرد و پیش آقای خود آمد.
Nguni't hindi naalaman ng bataan ang anoman: si Jonathan at si David lamang ang nakaalam ng bagay.
البتّه آن جوان منظور یوناتان را نفهمید. فقط یوناتان و داوود می‌دانستند که منظور چیست.
At ibinigay ni Jonathan ang kaniyang sandata sa kaniyang bataan, at sinabi sa kaniya, Yumaon ka, dalhin mo sa bayan.
بعد یوناتان کمان خود را به آن جوان داد و به او گفت که آن را به شهر ببرد.
At pagkayaon ng bataan, si David ay tumindig sa dakong tungo sa Timugan, at sumubsob sa lupa, at yumukod na makaitlo: at sila'y naghalikan, at umiyak kapuwa, hanggang si David ay humigit.
همین که آن جوان از آنجا رفت، داوود از کنار ستون سنگ برخاست روی به خاک افتاد و سه مرتبه سجده کرد. آن دو یکدیگر را بوسیدند و با هم گریه می‌کردند. غم و غصهٔ داوود بیشتر از یوناتان بود.
At sinabi ni Jonathan kay David, Yumaon kang payapa, yamang tayo'y kapuwa sumumpa sa pangalan ng Panginoon na nagsasabi, Ang Panginoon ay lalagay sa gitna natin, at sa gitna ng aking binhi at ng iyong binhi, magpakailan man. At siya'y bumangon at yumaon: at pumasok si Jonathan sa bayan.
یوناتان به داوود گفت: «برو به سلامت. ما به نام خداوند، قسم خورده‌‌‌ایم و خداوند، من و تو و فرزندانمان را برای همیشه نسبت به پیمان ما وفادار خواهد ساخت.» بعد هر دو از هم جدا شدند و یوناتان به شهر بازگشت.