Psalms 137

Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia, doo'y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo, nang ating maalaala ang Sion.
Là presso i fiumi di Babilonia, sedevamo ed anche piangevamo ricordandoci di Sion.
Sa mga punong sauce sa gitna niyaon ating ibinitin ang ating mga alpa.
Ai salici delle sponde avevamo appese le nostre cetre.
Sapagka't doo'y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit, at silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan, na nangagsasabi: Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion.
Poiché là quelli che ci avevan menati in cattività ci chiedevano dei canti, quelli che ci predavano, delle canzoni d’allegrezza, dicendo: Cantateci delle canzoni di Sion!
Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon sa ibang lupain?
Come potremmo noi cantare le canzoni dell’Eterno in terra straniera?
Kung kalimutan kita, Oh Jerusalem, kalimutan nawa ng aking kanan ang kaniyang kasanayan.
Se io ti dimentico, o Gerusalemme, dimentichi la mia destra le sue funzioni,
Dumikit nawa ang aking dila sa ngalangala ng aking bibig, kung hindi kita alalahanin; kung hindi ko piliin ang Jerusalem ng higit sa aking pinakapangulong kagalakan.
resti la mia lingua attaccata al palato se io non mi ricordo di te, se non metto Gerusalemme al disopra d’ogni mia allegrezza.
Alalahanin mo Oh Panginoon, laban sa mga anak ni Edom ang kaarawan ng Jerusalem; na nagsabi, Sirain, sirain, pati ng patibayan niyaon.
Ricordati, o Eterno, dei figliuoli di Edom, che nel giorno di Gerusalemme dicevano: Spianatela, spianatela, fin dalle fondamenta!
Oh anak na babae ng Babilonia, na sira; magiging mapalad siya, na gumaganti sa iyo na gaya ng iyong ginawa sa amin.
O figliuola di Babilonia, che devi esser distrutta, beati chi ti darà la retribuzione del male che ci hai fatto!
Magiging mapalad siya, na kukuha at maghahagis sa iyong mga bata sa malaking bato.
Beato chi piglierà i tuoi piccoli bambini e li sbatterà contro la roccia!