Nang magkagayo'y lumapit ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita kay Eleazar na saserdote, at kay Josue na anak ni Nun at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel;
At sila'y nagsalita sa kanila sa Silo, sa lupain ng Canaan, na sinasabi, Ang Panginoon ay nagutos sa pamamagitan ni Moises, na bigyan kami ng mga bayan na matatahanan, pati ng mga nayon niyaon para sa aming hayop.
At ang kapalarang ukol sa mga angkan ng mga Coathita ay lumabas; at ang mga anak ni Aaron na saserdote, na kabilang sa mga Levita, ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa lipi ni Juda, at sa lipi ng mga Simeonita, at sa lipi ni Benjamin, ng labing tatlong bayan.
At ang nalabi sa mga anak ni Coath ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Ephraim, at sa lipi ni Dan, at sa kalahating lipi ni Manases, ng sangpung bayan.
At ang mga anak ni Gerson ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Issachar, at sa lipi ni Aser, at sa lipi ni Nephtali, at sa kalahating lipi ni Manases sa Basan, ng labing tatlong bayan.
At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita sa pamamagitan ng sapalaran ang mga bayang ito pati ng mga nayon nito, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
At ibinigay nila sa kanila ang Chiriath-arba, na siyang Arba na ama ni Anac, (na siya ring Hebron,) sa lupaing maburol ng Juda, pati ng mga nayon niyaon sa palibot.
At sa mga anak ni Aaron na saserdote ay ibinigay nila ang Hebron pati ng mga nayon niyaon, ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, at ang Libna pati ng mga nayon niyaon;
At ang Ain pati ng mga nayon niyaon, at ang Jutta pati ng mga nayon niyaon, at ang Beth-semes pati ng mga nayon niyaon; siyam na bayan sa dalawang liping yaon.
At tinamo ng mga angkan ng mga anak ni Coath, na mga Levita, sa makatuwid baga'y ang nangalabi sa mga anak ni Coath, ang mga bayan na kanilang kapalaran sa lipi ni Ephraim.
At ibinigay nila sa kanila ang Sichem pati ng mga nayon niyaon sa lupaing maburol ng Ephraim, na bayang ampunan na ukol sa nakamatay, at ang Geser pati ng mga nayon niyaon.
At sa mga anak ni Gerson, sa mga angkan ng mga Levita, ay ibinigay sa kanila sa kalahating lipi ni Manases ang Gaulon sa Basan pati ng mga nayon niyaon, ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay; at ang Be-estera pati ng mga nayon niyaon; dalawang bayan.
At sa lipi ni Nephtali ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, ang Cedes sa Galilea pati ng mga nayon niyaon, at ang Hammoth-dor pati ng mga nayon niyaon, at ang Cartan pati ng mga nayon niyaon; tatlong bayan.
At sa mga angkan ng mga anak ni Merari, na nalabi sa mga Levita, sa lipi ni Zabulon, ang Jocneam pati ng mga nayon niyaon, at ang Kartha pati ng mga nayon niyaon,
Lahat ng mga ito ay mga bayan ng mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan, sa makatuwid baga'y ang nalabi sa mga angkan ng mga Levita; at ang kanilang kapalaran ay labing dalawang bayan.
Sa gayo'y ibinigay ng Panginoon sa Israel ang boong lupain na kaniyang isinumpa na ibibigay sa kanilang mga magulang: at kanilang inari at tumahan doon.
At binigyan sila ng kapahingahan ng Panginoon sa palibot, ayon sa lahat ng kaniyang isinumpa sa kanilang mga magulang: at walang tumayong isang lalake sa lahat ng kanilang mga kaaway sa harap nila; ibinigay ng Panginoon ang lahat nilang mga kaaway sa kanilang kamay.