I Corinthians 13

Εαν λαλω τας γλωσσας των ανθρωπων και των αγγελων, αγαπην δε μη εχω, εγεινα χαλκος ηχων η κυμβαλον αλαλαζον.
Kung ako'y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwa't wala akong pagibig, ay ako'y naging tanso na tumutunog, o batingaw na umaalingawngaw.
Και εαν εχω προφητειαν και εξευρω παντα τα μυστηρια και πασαν την γνωσιν, και εαν εχω πασαν την πιστιν, ωστε να μετατοπιζω ορη, αγαπην δε μη εχω, ειμαι ουδεν.
At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pa't mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa't wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan.
Και εαν παντα τα υπαρχοντα μου διανειμω, και εαν παραδωσω το σωμα μου δια να καυθω, αγαπην δε μη εχω, ουδεν ωφελουμαι.
At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwa't wala akong pagibig, ay walang pakikinabangin sa akin.
Η αγαπη μακροθυμει, αγαθοποιει, η αγαπη δεν φθονει, η αγαπη δεν αυθαδιαζει, δεν επαιρεται,
Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.
δεν ασχημονει, δεν ζητει τα εαυτης, δεν παροξυνεται, δεν διαλογιζεται το κακον,
Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama;
δεν χαιρει εις την αδικιαν, συγχαιρει δε εις την αληθειαν
Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan;
παντα ανεχεται, παντα πιστευει, παντα ελπιζει, παντα υπομενει.
Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.
Η αγαπη ουδεποτε εκπιπτει τα αλλα ομως, ειτε προφητειαι ειναι, θελουσι καταργηθη ειτε γλωσσαι, θελουσι παυσει ειτε γνωσις, θελει καταργηθη.
Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man: kahit maging mga hula, ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil: maging kaalaman, ay mawawala.
Διοτι κατα μερος γινωσκομεν και κατα μερος προφητευομεν
Sapagka't nangakakakilala tayo ng bahagya, at nanganghuhula tayo ng bahagya;
οταν ομως ελθη το τελειον, τοτε το κατα μερος θελει καταργηθη.
Datapuwa't kung dumating ang sakdal, ang bahagya ay matatapos.
Οτε ημην νηπιος, ως νηπιος ελαλουν, ως νηπιος εφρονουν, ως νηπιος εσυλλογιζομην οτε ομως εγεινα ανηρ, κατηργησα τα του νηπιου.
Nang ako'y bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam akong gaya ng bata, nagiisip akong gaya ng bata: ngayong maganap ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata.
Διοτι τωρα βλεπομεν δια κατοπτρου αινιγματωδως, τοτε δε προσωπον προς προσωπον τωρα γνωριζω κατα μερος, τοτε δε θελω γνωρισει καθως και εγνωρισθην.
Sapagka't ngayo'y malabo tayong nakakikita sa isang salamin; nguni't pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan: ngayo'y nakikilala ko ng bahagya, nguni't pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakilala sa akin.
Τωρα δε μενει πιστις, ελπις, αγαπη, τα τρια ταυτα. μεγαλητερα δε τουτων ειναι η αγαπη.
Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.