Job 24

“Niçin Her Şeye Gücü Yeten yargı için vakit saptamıyor? Neden O’nu tanıyanlar bu günleri görmesin?
Bakit ang mga kapanahunan ay hindi itinakda ng Makapangyarihan sa lahat? At bakit hindi nangakakakita ng kaniyang mga araw ang nangakakakilala sa kaniya?
İnsanlar sınır taşlarını kaldırıyor, Çaldıkları sürüleri otlatıyorlar.
May nagsisipagbago ng lindero; kanilang dinadalang may karahasan ang mga kawan, at pinasasabsab.
Öksüzlerin eşeğini kovuyor, Dul kadının öküzünü rehin alıyorlar.
Kanilang itinataboy ang asno ng ulila, kanilang kinukuha ang baka ng babaing bao na pinakasangla.
Yoksulları yoldan saptırıyor, Ülkenin düşkünlerini gizlenmeye zorluyorlar.
Kanilang inililigaw sa daan ang mapagkailangan: ang mga dukha sa lupa ay nagsisikubling magkakasama.
Bakın, yoksullar çöldeki yaban eşekleri gibi Yiyecek bulmak için erkenden işe çıkıyorlar, Çocuklarına yiyeceği kırlar sağlıyor.
Narito, gaya ng mga mabangis na asno sa ilang, sila'y nagsisilabas sa kanilang gawa, na nagsisihanap na masikap ng pagkain; ang ilang ay siyang nagbibigay sa kanila ng pagkaing ukol sa kanilang mga anak.
Yemlerini tarlalardan topluyor, Kötülerin bağındaki artıkları eşeliyorlar.
Kanilang pinitas sa bukid ang kanilang pagkain; at kanilang pinamumulutan ang ubasan ng masama.
Geceyi giysisiz, çıplak geçiriyorlar, Örtünecek şeyleri yok soğukta.
Sila'y hubad na nangahihiga buong gabi na walang suot. At walang kumot sa ginaw.
Dağlara yağan sağanaktan ıslanıyor, Sığınakları olmadığı için kayalara sarılıyorlar.
Sila'y basa ng ulan sa mga bundok, at niyayakap ang bato sa pagkakailangan ng kulungan.
Öksüz memeden uzaklaştırılıyor, Düşkünün bebeği rehin alınıyor.
May nagsisiagaw ng ulila mula sa suso, at nagsisikuha ng sangla ng dukha:
Giysisiz, çıplak dolaşıyor, Aç karnına demet taşıyorlar.
Na anopa't sila'y yumayaong hubad na walang damit, at palibhasa'y gutom ay kanilang dinadala ang mga bigkis;
Teraslar arasında zeytin eziyor, Susuzluktan kavrulurken Şarap için üzüm sıkıyorlar.
Sila'y nagsisigawa ng langis sa loob ng olibohan ng mga taong ito; sila'y nagpipisa sa kanilang pisaan ng ubas, at nagtitiis ng uhaw.
Kentlerden insan iniltileri yükseliyor, Yaralı canlar feryat ediyor, Ama Tanrı haksızlığı önemsemiyor.
Mula sa makapal na bayan ay nagsisidaing ang mga tao, at ang kaluluwa ng may sugat ay humihiyaw; gayon ma'y hindi inaaring mangmang ng Dios.
“Bunlar ışığa başkaldıranlardır; Onun yolunu tanımaz, İzinde yürümezler.
Ito'y sa mga nangaghihimagsik laban sa liwanag; Hindi nila nalalaman ang mga daan niyaon, ni tumatahan man sa mga landas niyaon.
Gün ağarınca katil kalkar, Düşkünü, yoksulu öldürür, Hırsız gibi sıvışır geceleyin.
Ang mamamatay tao ay bumabangon pagliliwanag, pinapatay niya ang dukha at mapagkailangan; at sa gabi ay gaya siya ng magnanakaw.
Zina edenin gözü alaca karanlıktadır, ‘Beni kimse görmez’ diye düşünür, Yüzünü örtüyle gizler.
Ang mata naman ng mapangalunya ay naghihintay ng pagtatakip-silim, na sinasabi, Walang matang makakakita sa akin: at nagiiba ng kaniyang mukha.
Hırsızlar karanlıkta evleri deler, Gündüz gizlenir, ışık nedir bilmezler.
Sa kadiliman ay nagsisihukay sila sa mga bahay: sila'y nagkukulong sa sarili kung araw; hindi nila nalalaman ang liwanag,
Çünkü zifiri karanlık, sabahıdır onların, Karanlığın dehşetiyle dostturlar.
Sapagka't ang umaga sa kanilang lahat ay parang salimuot na kadiliman, sapagka't kanilang nalalaman ang mga kakilabutan ng salimot na kadiliman.
“Diyorsunuz ki, ‘Suyun üstündeki köpüktür onlar, Lanetlidir ülkedeki payları, Kimse bağlara gitmez.
Siya'y matulin sa ibabaw ng tubig; ang kanilang bahagi ay sinumpa sa lupa: siya'y hindi babalik sa daan ng mga ubasan.
Kuraklık ve sıcağın eriyen karı alıp götürdüğü gibi Ölüler diyarı da günahlıları alıp götürür.
Katuyuan at kainitan ay tumutunaw ng mga niebeng tubig: gaya ng Sheol ng mga nagkakasala.
Rahim onları unutacak, Kurtlara yem olacak, Bir daha anılmayacaklar. Haksızlık bir ağaç gibi kırılacak.
Kalilimutan siya ng bahay-bata: siya'y kakaning maigi ng uod; siya'y hindi na maaalaala pa: at ang kalikuan ay babaliing parang punong kahoy.
Onlar çocuğu olmayan kısır kadınları yolar, Dul kadına iyilik etmezler.
Kaniyang sinasakmal ang baog na hindi nanganganak; at hindi gumagawa ng mabuti sa babaing bao.
Tanrı, gücüyle zorbaları yok eder, Harekete geçince zorbaların yaşama umudu kalmaz.
Inaagawan naman ng Dios ang may kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan: siya'y bumabangon na walang katiwasayan sa buhay.
Tanrı onlara güven verir, O’na güvenirler, Ama gözü yürüdükleri yoldadır.
Pinagkakalooban sila ng Dios na malagay sa katiwasayan, at sila'y nagpapahinga roon; at ang kaniyang mga mata ay nasa kanilang mga lakad.
Kısa süre yükselir, sonra yok olurlar, Düşerler, tıpkı ötekiler gibi alınıp götürülür, Başak başı gibi kesilirler.’
Sila'y nangataas, gayon ma'y isang sandali pa, at sila'y wala na. Oo, sila'y nangababa, sila'y nangaalis sa daan na gaya ng lahat ng mga iba, at nangaputol na gaya ng mga uhay.
“Böyle değilse, kim beni yalancı çıkarabilir, Söylediklerimin boş olduğunu gösterebilir?”
At kung hindi gayon ngayon, sinong magpapatotoo na ako'y sinungaling, at magwawala ng kabuluhan ng aking pananalita?