Psalms 114

CUANDO salió Israel de Egipto, La casa de Jacob del pueblo bárbaro,
Nang lumabas ang Israel sa Egipto, ang sangbahayan ni Jacob mula sa bayang may ibang wika;
Judá fué su consagrada heredad, Israel su señorío.
Ang Juda ay naging kaniyang santuario, ang Israel ay kaniyang sakop.
La mar vió, y huyó; El Jordán se volvió atrás.
Nakita ng dagat, at tumakas; ang Jordan ay napaurong.
Los montes saltaron como carneros: Los collados como corderitos.
Ang mga bundok ay nagsiluksong parang mga lalaking tupa, ang mga munting gulod na parang mga batang tupa.
¿Qué tuviste, oh mar, que huiste? ¿Y tú, oh Jordán, que te volviste atrás?
Anong ipakikialam ko sa iyo, Oh dagat, na ikaw ay tumatakas? sa iyo Jordan, na ikaw ay umuurong?
Oh montes, ¿por qué saltasteis como carneros, Y vosotros, collados, como corderitos?
Sa inyo mga bundok, na kayo'y nagsisiluksong parang mga lalaking tupa; sa inyong mga munting gulod, na parang mga batang tupa?
Á la presencia del Señor tiembla la tierra, Á la presencia del Dios de Jacob;
Mayanig ka, ikaw na lupa, sa harapan ng Panginoon, sa harapan ng Dios ni Jacob;
Él cual tornó la peña en estanque de aguas, Y en fuente de aguas la roca.
Na pinapagiging tipunan ng tubig ang malaking bato. Na bukal ng tubig ang pingkiang bato.