II Kings 2

És lőn mikor az Úr Illést fel akará vinni a szélvész által mennyekbe: elméne Illés és Elizeus Gilgálból.
At nangyari, nang isasampa ng Panginoon si Elias sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo, na si Elias ay yumaong kasama ni Eliseo mula sa Gilgal.
És monda Illés Elizeusnak: Maradj itt, kérlek, mert az Úr Béthelbe küldött engem. És felele Elizeus: Él az Úr, és a te lelked, hogy el nem hagylak téged! És mikor lemenének Béthel felé:
At sinabi ni Elias kay Eliseo, Isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito: sapagka't sinugo ako ng Panginoon hanggang sa Beth-el. At sinabi ni Eliseo, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. Sa gayo'y bumaba sila sa Beth-el.
Kijövének a próféták fiai, a kik Béthelben valának, Elizeushoz, és mondának néki: Nem tudod-é, hogy e mai napon az Úr elragadja a te uradat tőled? És monda: Tudom én is, hallgassatok.
At nilabas ng mga anak ng mga propeta na nasa Beth-el si Eliseo, at nagsipagsabi sa kaniya, Talastas mo ba na ihihiwalay ng Panginoon ang iyong panginoon sa iyong ulo ngayon? At kaniyang sinabi, Oo, talastas ko; pumayapa kayo.
És monda néki Illés: Elizeus! Maradj itt, kérlek; mert az Úr engem Jérikhóba küldött. Ő azonban monda: Él az Úr és a te lelked, hogy el nem hagylak téged. És mikor elmenének Jérikhóba:
At sinabi ni Elias sa kaniya, Eliseo, isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito; sapagka't sinugo ako ng Panginoon sa Jerico. At kaniyang sinabi, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. Sa gayo'y nagsiparoon sila sa Jerico.
A próféták fiai, a kik Jérikhóban valának, Elizeushoz jövének, és mondának néki: Nem tudod-é, hogy e mai napon az Úr a te uradat elragadja tőled? És ő monda: Én is tudom, hallgassatok.
At nagsilapit kay Eliseo ang mga anak ng mga propeta na nangasa Jerico, at nagsipagsabi sa kaniya, Talastas mo ba na ihihiwalay ng Panginoon ang iyong panginoon sa iyong ulo ngayon? At siya'y sumagot, Oo, talastas ko; pumayapa kayo.
Azután monda néki Illés: Maradj itt, kérlek, mert az Úr engem a Jordán mellé küldött. De ő felele: Él az Úr és a te lelked, hogy el nem hagylak téged. És elmenének együtt mindketten.
At sinabi ni Elias sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito; sapagka't sinugo ako ng Panginoon sa Jordan. At kaniyang sinabi, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. At silang dalawa ay nagsiyaon.
Ötven férfiú pedig a próféták fiai közül *utánok* menvén, velök szemben messze megállának, mikor ők ketten a Jordán mellett megállottak.
At limangpu sa mga anak ng mga propeta ay nagsiyaon, at nagsitayo sa tapat nila sa malayo; at silang dalawa ay nagsitayo sa tabi ng Jordan.
És fogá Illés az ő palástját, és összehajtva azt, megüté azzal a vizet; és az kétfelé válék; úgy hogy mind a ketten szárazon menének át rajta.
At kinuha ni Elias ang kaniyang balabal, at tiniklop, at hinampas ang tubig, at nahawi dito at doon, na ano pa't silang dalawa'y nagsidaan sa tuyong lupa.
És mikor általmentek, monda Illés Elizeusnak: Kérj tőlem, mit cselekedjem veled, mielőtt tőled elragadtatom. És monda Elizeus: Legyen, kérlek, a te benned való léleknek kettős mértéke én rajtam.
At nangyari, nang sila'y makatawid, na sinabi ni Elias kay Eliseo, Hingin mo kung ano ang gagawin ko sa iyo, bago ako ihiwalay sa iyo. At sinabi ni Eliseo, Isinasamo ko sa iyo, na ang ibayong bahagi ng iyong diwa ay sumaakin.
És ő monda: Nehéz dolgot kértél; mégis, ha majd meglátándasz engem, mikor tőled elragadtatom, meglesz, a mit *kérsz:* ha pedig *meg* nem *látándasz,* nem lesz meg.
At sinabi niya, Ikaw ay humingi ng mabigat na bagay: gayon ma'y kung makita mo ako pagka ako'y inihiwalay sa iyo, magiging gayon sa iyo; nguni't kung hindi ay hindi magiging gayon.
És lőn, a mikor menének és menvén beszélgetének, ímé egy tüzes szekér tüzes lovakkal elválasztá őket egymástól. És felméne Illés a szélvészben az égbe.
At nangyari, samantalang sila'y nagpapatuloy, at nagsasalitaan, na narito, napakita ang isang karong apoy, at mga kabayong apoy, na naghiwalay sa kanila kapuwa; at si Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo.
Elizeus pedig ezt látván, kiált vala: *Édes* atyám, *édes* atyám! Izráel szekerei és lovagjai! És nem látá őt többé. És vevé a maga ruháit, és két részre szakasztá azokat,
At nakita ni Eliseo, at siya'y sumigaw. Ama ko, ama ko, mga karo ng Israel at mga mangangabayo niyaon! At hindi na niya nakita siya: at kaniyang hinawakan ang kaniyang sariling kasuutan, at hinapak ng dalawang hati.
És felemelé az Illés palástját, a mely róla leesett, és visszatért, és megállott a Jordán partján.
Kinuha rin niya ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya, at siya'y bumalik, at tumayo sa tabi ng pangpang ng Jordan.
És vevé az Illés palástját, a mely róla leesett, és *azzal* megüté a vizet, és monda: Hol van az Úr, az Illés Istene? És mikor ő is megütötte a vizet, kétfelé válék az; és általméne Elizeus.
At kaniyang kinuha ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya, at hinampas ang tubig, at sinabi, Saan nandoon ang Panginoon, ang Dios ni Elias? at nang kaniyang mahampas naman ang tubig, ay nahawi dito at doon: at si Eliseo ay tumawid.
És mikor látták őt a próféták fiai, a kik átellenben Jérikhónál valának, mondának: Az Illés lelke megnyugodt Elizeuson. És eleibe menének néki, és meghajták magokat ő előtte a földig;
At nang makita siya ng mga anak ng mga propeta na nangasa Jerico sa tapat niya, ay kanilang sinabi, Ang diwa ni Elias ay sumasa kay Eliseo. At sila'y nagsiyaon na sinalubong siya, at sila'y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya.
És mondának néki: Ímé a te szolgáid között van ötven ember, erős férfiak, küldd el őket, hadd keressék meg a te uradat, hátha az Úrnak lelke ragadta el őt, és letette őt valamelyik hegyen, vagy völgyben. De ő monda: Ne küldjetek.
At kanilang sinabi sa kaniya, Narito ngayon, sa iyong mga lingkod ay may limangpung malalakas na lalake; isinasamo namin sa iyo na payaunin mo sila, at hanapin ang inyong panginoon, baka sakaling itinaas ng Espiritu ng Panginoon, at inihagis sa isang bundok, o sa isang libis. At kaniyang sinabi, Huwag kayong magsipagsugo.
De azok kényszerítették őt egész a megszégyenülésig, és monda: *Hát* küldjetek el! És elküldék az ötven férfiút, de harmadnapig keresvén sem találák meg őt.
At nang kanilang pilitin siya hanggang sa siya'y mapahiya, at kaniyang sinabi, Magsipagsugo kayo. Sila'y nagsipagsugo nga ng limangpung lalake, at hinanap nilang tatlong araw, nguni't hindi nasumpungan siya.
És mikor visszajöttek ő hozzá, mert Jérikhóban lakott, monda nékik: Nem mondottam-é, hogy ne menjetek el?
At sila'y nagsibalik sa kaniya, samantalang siya'y naghihintay sa Jerico; at kaniyang sinabi sa kanila, Di ba sinabi ko sa inyo: Huwag kayong magsiyaon?
És mondának a város férfiai Elizeusnak: Ímé e város jó lakóhely volna, a mint uram magad látod; de a vize ártalmas, és a föld gyümölcsét meg nem érleli.
At sinabi ng mga lalake sa bayan kay Eliseo: Tingnan mo, isinasamo namin sa iyo, na ang kalagayan ng bayang ito ay maligaya, gaya ng nakikita ng aking panginoon: nguni't ang tubig ay masama, at ang lupa ay nagpapalagas ng bunga.
És monda: Hozzatok nékem egy új csészét, és tegyetek sót belé. És elhozák néki.
At kaniyang sinabi, Dalhan ninyo ako ng isang bagong banga, at sidlan ninyo ng asin. At kanilang dinala sa kaniya.
Ő pedig kiment a forráshoz, és bele veté a sót, és monda: Ezt mondja az Úr: Meggyógyítottam e vizeket; nem származik ezután azokból halál és idétlen termés.
At siya'y naparoon sa bukal ng tubig, at hinagisan niya ng asin, at nagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Aking pinabuti ang tubig na ito; hindi na magkakaroon mula rito ng kamatayan pa o pagkalagas ng bunga.
És egészségesekké lőnek a vizek mind e mai napig, Elizeus beszéde szerint, a melyet szólott.
Sa gayo'y bumuti ang tubig hanggang sa araw na ito, ayon sa salita ni Eliseo na kaniyang sinalita.
Felméne azután onnét Béthelbe; és mikor az úton felfelé méne, apró gyermekek jövének ki a városból, a kik őt csúfolják vala, ezt mondván: Jőjj fel, kopasz, jőjj fel, kopasz!
At siya'y umahon sa Beth-el mula roon: at samantalang siya'y umaahon sa daan, may nagsilabas sa bayan na mga bata, at tinuya siya, at sinabi nila sa kaniya, Umahon ka, ikaw na kalbo ang ulo; umahon ka, ikaw na kalbo ang ulo.
És hátratekintvén és meglátván őket, megátkozá őket az Úr nevében, és az erdőből két nőstény medve jövén ki, szétszaggata közülök negyvenkét gyermeket.
At siya'y lumingon sa likuran niya, at nangakita niya, at sinumpa niya sila sa pangalan ng Panginoon. At doo'y lumabas ang dalawang osong babae sa gubat, at lumapa ng apat na pu't dalawang bata sa kanila.
Onnét azután felment a Kármel hegyére; onnét pedig Samariába tért vissza.
At siya'y naparoon sa bundok ng Carmelo mula roon, at mula roo'y bumalik siya sa Samaria.