Hosea 11

Kuin Israel nuori oli, pidin minä hänen rakkaana, ja minä kutsuin Egyptistä minun poikani.
Nang bata pa ang Israel, aking minahal siya, at tinawag kong aking anak mula sa Egipto.
Mutta kuin heitä nyt kutsutaan, niin he kääntyvät pois, ja uhraavat Baalimille, ja suitsuttavat kuville.
Lalo silang tinawag ng mga propeta, ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila: sila'y nangaghahain sa mga Baal, at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan.
Minä opetin Ephraimin käymään, ja talutin häntä käsivarsista, vaan nyt ei he tahdo tietää, että minä heitä parantanut olen.
Gayon ma'y aking tinuruan ang Ephraim na lumakad; aking kinalong sila sa aking mga bisig; nguni't hindi nila kinilala na aking pinagaling sila.
Minä annoin heidän vetää ihmisen ijestä, ja käydä rakkauden ohjissa, ja minä autin heitä, otin ikeen heidän kaulastansa, ja annoin heille elatuksen.
Akin silang pinatnubayan ng mga tali ng tao, ng mga panali ng pag-ibig; at ako'y naging sa kanila'y parang nagaalis ng paningkaw sa kanilang mga panga; at ako'y naglagay ng pagkain sa harap nila.
Ei heidän pidä palajaman Egyptin maalle, vaan Assur pitää heidän kuninkaansa oleman; sillä ei he tahdo itsiänsä kääntää.
Sila'y hindi babalik sa lupain ng Egipto; kundi ang taga Asiria ay magiging kanilang hari, sapagka't sila'y nagsisitangging manumbalik sa akin.
Sentähden pitää miekan tuleman heidän kaupunkinsa päälle, ja heidän salpansa tempaaman ylös, ja syömän ne, heidän neuvonsa tähden.
At ang tabak ay lalagak sa kanilang mga bayan, at susupukin ang kanilang mga halang, at lalamunin sila, dahil sa kanilang sariling mga payo.
Minun kansani väsyy kääntymästä minun puoleeni; ehkä kuinka heille saarnattaisiin, niin ei kenkään hankitse kuulemaan.
At ang aking bayan ay mahilig ng pagtalikod sa akin: bagaman kanilang tinatawag siya na nasa itaas, walang lubos na magtataas sa kaniya.
Mitä minun pitää sinusta tekemän, Ephraim? Varjelenko minä sinua, Israel? Pitäiskö minun sinulle tekemän niinkuin Adamalle, ja asettaman sinun niinkuin Zeboimin? Mutta minun sydämelläni on toinen mieli, minun laupiuteni on ylen palava:
Paanong pababayaan kita, Ephraim? paanong itatakuwil kita, Israel? paanong gagawin kitang parang Adma? paanong ilalagay kitang parang Zeboim? ang aking puso ay nabagbag sa loob ko, ang aking mga habag ay nangagalab.
Etten minä tee hirmuisen vihani jälkeen, enkä palaja Ephraimia kadottamaan; sillä minä olen Jumala, ja en ihminen, ja olen pyhä teidän keskellänne, ja en tahdo tulla kaupunkiin.
Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.
Silloin Herraa seurataan, ja hän on kiljuva niinkuin jalopeura; ja kuin hän kiljuu, niin ne peljästyvät, jotka lännessä ovat.
Sila'y magsisilakad ng ayon sa Panginoon, na siyang uungal, na parang leon; sapagka't siya'y uungal, at ang mga anak ay magsisidating na nanginginig na mula sa kalunuran.
Ja Egyptissä ne myös peljästyvät niinkuin lintu, ja ne Assurin maasta niinkuin kyhkyinen; ja minä tahdon heitä asettaa huoneisiinsa, sanoo Herra.
Sila'y darating na nanginginig na parang ibon na mula sa Egipto, at parang kalapati na mula sa lupain ng Asiria; at aking patatahanin sila sa kanilang mga bahay, sabi ng Panginoon.
Ephraimissa on joka paikassa valhe minua vastaan, ja Israelin huoneessa petos; mutta Juuda hallitsee vielä Jumalan kanssa, ja on uskollinen pyhäin kanssa.
Kinukulong ako ng Ephraim ng kabulaanan sa palibot, at ng sangbahayan ni Israel sa pamamagitan ng daya; nguni't ang Juda'y nagpupuno pang kasama ng Dios, at tapat na kasama ng Banal.