Job 29

约伯又接著说:
At muling ipinagbadya ni Job ang kaniyang talinghaga, at nagsabi,
惟愿我的景况如从前的月份,如 神保守我的日子。
Oh ako nawa'y napasa mga buwan noong dakong una, gaya noong mga kaarawan ng binabantayan ako ng Dios;
那时他的灯照在我头上;我借他的光行过黑暗。
Nang ang kaniyang ilawan ay sumisilang sa aking ulo at sa pamamagitan ng kaniyang liwanag ay lumalakad ako sa kadiliman;
我愿如壮年的时候:那时我在帐棚中, 神待我有密友之情;
Gaya noong ako'y nasa kabutihan ng aking mga kaarawan, noong ang pagkasi ng Dios ay nasa aking tolda;
全能者仍与我同在;我的儿女都环绕我。
Noong ang Makapangyarihan sa lahat ay sumasaakin pa, at ang aking mga anak ay nangasa palibot ko;
奶多可洗我的脚;磐石为我出油成河。
Noong ang aking mga hakbang ay naliligo sa gatas, at ang bato ay nagbubuhos para sa akin ng mga ilog ng langis!
我出到城门,在街上设立座位;
Noong ako'y lumalabas sa pintuang-bayan hanggang sa bayan, noong aking inihahanda ang aking upuan sa lansangan,
少年人见我而回避,老年人也起身站立;
Nakikita ako ng mga binata, at nagsisipagkubli, at ang mga matanda ay nagsisitindig at nagsisitayo:
王子都停止说话,用手摀口;
Ang mga pangulo ay nagpipigil ng pangungusap, at inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig;
首领静默无声,舌头贴住上膛。
Ang tinig ng mga mahal na tao ay tumatahimik, at ang kanilang dila ay dumidikit sa ngalangala ng kanilang bibig.
耳朵听我的,就称我有福;眼睛看我的,便称讚我;
Sapagka't pagka naririnig ako ng pakinig, ay pinagpapala nga ako; at pagka nakikita ako ng mata, ay sumasaksi sa akin:
因我拯救哀求的困苦人和无人帮助的孤儿。
Sapagka't aking iniligtas ang dukha na dumadaing, ang ulila rin naman na walang tumutulong sa kaniya.
将要灭亡的为我祝福;我也使寡妇心中欢乐。
Ang basbas ng malapit nang mamamatay ay sumaakin: at aking pinaawit sa kagalakan ang puso ng babaing bao.
我以公义为衣服,以公平为外袍和冠冕。
Ako'y nagbibihis ng katuwiran, at sinusuutan niya ako: ang aking kaganapan ay parang isang balabal at isang diadema.
我为瞎子的眼,瘸子的脚。
Ako'y naging mga mata sa bulag, at naging mga paa ako sa pilay.
我为穷乏人的父;素不认识的人,我查明他的案件。
Ako'y naging ama sa mapagkailangan; at ang usap niyaong hindi ko nakikilala ay aking sinisiyasat.
我打破不义之人的牙床,从他牙齿中夺了所抢的。
At aking binali ang mga pangil ng liko, at inagaw ko ang huli sa kaniyang mga ngipin.
我便说:我必死在家中(原文是窝中),必增添我的日子,多如尘沙。
Nang magkagayo'y sinabi ko, mamamatay ako sa aking pugad, at aking pararamihin ang aking mga kaarawan na gaya ng buhangin:
我的根长到水边;露水终夜霑在我的枝上。
Ang aking ugat ay nakalat sa tubig, at ang hamog ay lumalapag buong gabi sa aking sanga:
我的荣耀在身上增新;我的弓在手中日强。
Ang aking kaluwalhatian ay sariwa sa akin, at ang aking busog ay nababago sa aking kamay.
人听见我而仰望,静默等候我的指教。
Sa akin ay nangakikinig ang mga tao, at nangaghihintay, at nagsisitahimik sa aking payo.
我说话之后,他们就不再说;我的言语像雨露滴在他们身上。
Pagkatapos ng aking mga salita ay hindi na sila nagsasalita pa uli; at ang aking pananalita ay tumutulo sa kanila.
他们仰望我如仰望雨,又张开口如切慕春雨。
At kanilang hinihintay ako, na gaya ng paghihintay sa ulan, at kanilang ibinubuka ang kanilang bibig na maluwang na gaya sa huling ulan.
他们不敢自信,我就向他们含笑;他们不使我脸上的光改变。
Ako'y ngumingiti sa kanila pagka sila'y hindi nanganiniwala: at ang liwanag ng aking mukha ay hindi nila hinahamak.
我为他们选择道路,又坐首位;我如君王在军队中居住,又如吊丧的安慰伤心的人。
Ako'y namimili sa kanilang daan, at nauupong gaya ng puno, at tumatahang gaya ng hari sa hukbo, gaya ng nangaaliw sa nananangis.